Advertisers
Nasawi ang dalawa habang tatlo naman ang sugatan nang bumaliktad at mahulog ang isang Asian Utility Vehicle (AUV) sa Buguias, Benguet.
Kinilala ang mga nasawi na sina Marceline Dada-An Calimodag, 51 anyos; at Tyler Soriano Bitayan, 58; habang ang mga nasugatan naman kinilalang sina Maricel Dada-An Calimodag, 25; Tony Lipawen Calimodag, 71; at Helen Lipawen Calimodag, 53.
Ayon sa Cordillera Police, bumabagtas sa matarik na lugar ang Toyota FX sakay ang mga biktima nang magkulang sa kalkula ang driver at mahagip ang isang mataas na bahagi ng kalsada sanhi upang bumaligtad ang kanilang sasakyan at tuluy-tuloy na nahulog sa 40 metro na lalim na bangin.
Sa report, isinugod agad sa ospital lahat ng mga biktima nang maiahon ng rescuers mula sa bangin pero hindi umabot nang buhay sina Calimodag at Bitayan.