Advertisers

Advertisers

2 Bebot nakuhanan ng P5.1M ecstasy sa QC

0 241

Advertisers

Nasa mahigit P5.1 milyong halaga ng ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueba ang dalawang babae na inaresto na sina Evelyn Sotto alias Jennica Abas; at Genevie Abas na kapwa nakatira sa 66 Agno Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Ikinasa ang operasyon nang sabihan ng mga custom official mula China ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) tungkol sa package galing Netherlands na hinihinalang may laman na ilegal na droga.



Nang isailalim sa examination noong Enero 20, nakita ng mga awtoridad ang ecstasy sa package.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman ng 3,034 tablets ng MDMA (Ecstacy) na may street value na Php 5,157, 800.00.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">