Advertisers
NAGPAPASALAMAT si Atty. Alex Lopez, aspi-ranteng Mayor ng Maynila nang tugunan ng Pamahalaang lungsod ang kanyang panawagan na mabigyan ng trabaho ang mga Manilenyo lalo ngayon panahon ng pandemya.
Dahil na rin sa panawagan ni Atorni Lopez nagkaroon ng programa na makakatulong sa mamamayan ng Maynila.
Paliwanang ni Lopez na kahit wala siyang tungkulin sa gobyerno, patuloy itong tumutulong sa mga taga Maynila. Lahat ng mga tumatawag sa kanya agad nitong nirerespondehan.
Ibinigay halimbawa nito ang kanyang mga trabahador na kahit na hindi pumapasok sa panahon ng pandemya, hindi natigil ang kanilang mga sahod na may kaakibat pang ayuda.
Sinabi ni Lopez na kahit hindi ka naman nakapuwesto sa anumang posisyon sa gobyerno maaari kang tumulong sa iyong kapwa.
Ang ipinagtataka lamang ni Lopez kung bakit ang mga nakapuwesto sa Maynila napakatagal gumawa ng hakbang para tugunan ang pangangailangan ng mga Manilenyo.
“Silang mga nakapuwesto sa Maynila sila ang may responsibilidad na magbigay ng tulong sa hapag kain ng bawat Manilenyo,” wika ni Lopez.
“Nakakalungkot po na ngayon lamang nila gagawin ang tungkulin na mabigay ng ‘Job Order’ ang mga Manilenyo kung hindi pa mag-eeleksyon hindi pa nila ito gagawin,” dagdag pa ni Lopez.
Kaya iniimbitahan ni Atty. Lopez ang lahat ng mga walang trabaho na samantalahin ang pagkakataon habang naghahanap ang Public Employment Service Office (PESO) ng mga magiging benepisyaryo para sa KASAMA (KAlinga SA MAnileño) Program na naglalayon na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Manileño na nawalan ng trabaho o naghahanap ng trabaho.
Ang ilan sa benepisyon nito ang pagkakaroon ng sahod na Php. 537.00/kada araw at group accident insurance.
Sa mga nagnanais na mag-apply kailangan walang trabaho; residente ng Maynila; 18-anyos pataas; at pumapayag na magtrabaho at ma-assign sa iba’t ibang Departamento o tanggapan sa Lungsod ng Maynila.
Hangad naman ni Atty. Lopez na sana maging bukas ang nasabing programa sa lahat ng Manilenyo at huwag itong magkulay politika.
“Sa naturang programa makararating na sa taong bayan ang kanilang mga pera. Kung hindi pa nagkaroon ng kalaban ‘di pa nila ito gagawin. Sana noong Oktubre nilang ginawa ito para naman naging regular na empleyado ang ilan sa mga aplikante,” pagwawakas ni Manila Mayoralty candidates Atty. Alex Lopez.