Advertisers

Advertisers

‘Tsaa-bu’ buking sa 2 tulak sa Makati

0 373

Advertisers

TINATAYANG aabot sa mahigit P40 million halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad nang madakip ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Bryan Salceda, 26, ng Concepcion Street at Jerome Gaje, 27, ng Estrella Street, kapuwa taga Pasay City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Police Major General Vicente Danao Jr., 7:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa #3628 B, Hilario Street, Barangay Palanan, Makati City.
Bunsod ng ikinasang buy-bust operation nang pinagsanib puwersa ng Makati City Police, PDEA NCR, BOC CIIS, SOU 1, SOU NCR sa pamumuno ni Police Brigadier General Remus Medina, director ng Philippine National Police, Drug Enforcement Group (PNP-DEG), ang lead unit ng operasyon.



Ayon kay Danao, nadakip ang mga suspek nang makatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng PNP-DEG hinggil sa pagbebenta ng droga at malakihang iligal na transaksiyon ng mga suspek.

Na-recover mula sa mga suspek ang nasa anim na kilong shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000.00 (higit sa P40 million) na nakalagay sa tea bag, 2 pirasong genuine P1,000, mga boodle money at cellular phone.



Sasampahan ang mga suspek ng kasong palabag sa Republic Act 9165 o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">