Advertisers

Advertisers

P1.6M koleksyon ng electric coop nilimas ng sekyu

0 120

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Nilimas ng isang security guard ang koleksyon ng isang kooperatiba sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang suspek na si Ariel Bernabe, residente ng Barangay Kalawag 2 Isulan Sultan Kudarat.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na natuklasan na lamang ng mga kawani ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (SUKELCO) sa Tacurong City na nawawala na ang kanilang koleksyon at kinulimbat ng kanilang sekyu na nagkakahalaga ng P1,611,280.



Nakita sa CCTV footages ang ginawa ng suspek, Isinilid nito ang pera sa isang bag at tumakas.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek at pormal ng sinampahan ng kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More