Advertisers

Advertisers

COVIDKaya system ng DOH, dumanas muli ng isyung teknikal; paglalabas ng COVID-19 case bulletin, naantala

0 312

Advertisers

NAANTALA ang paglalabas ng COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Enero 29.

Ito’y matapos na dumanas muli ng technical issue ang kanilang COVIDKaya system.

Batay sa public advisory na inilabas ng DOH, nabatid na mula sa dating 4:00PM ay 8:00PM na nila mailalabas ang case bulletin hinggil sa mga datos sa COVID-19.
Tiniyak naman ng DOH na sa sandaling maayos na ang naturang problemang teknikal ay kaagad nilang ibabalik ang paglalabas ng 4:00PM COVID-19 case bulletin.



“Due to recent technical issues in COVIDKaya, the case bulletin will be released at 8:00PM. The schedule of release shall revert back to 4:00PM once technical issues are resolved,” paabiso pa nito.

“Rest assured that the DICT is addressing issues with COVIDKaya,” anito pa. (ANDI GARCIA)