Advertisers
SUMAMBULAT sa social media ang ‘big trouble’ sa marital life ni BEAU BELGA ng professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). Kahit hindi ito nagpapaunlak ng anumang pahayag as of writing, hindi maitatanggi na biglang sabit sa kontrobersiya ang big man ng RAIN OR SHINE (ROS) ELASTO PAINTERS.
Mismong ang wifey niyang si QUEENIE MANALO-BELGA ang nagpaputok ng isyu sa reklamong pambubugbog, pangangabit at kakulangan ng sustento sa anak. Tearful at nagpost pa si QUEENIE ng photos ng mga pasa with matching audio kung saan maririnig ang palitan ng galit sa ‘bugbugan’ na isinisigaw ng player ang ‘Kahit idemanda mo ako na sinasaktan kita wala akong pakialam., basta umalis ka diyan!”na umani ng libu-libong views at tuluyang naging viral.
Nasa 12 to 13 years na ang pagsasama ng couple at habitual umano ang pananakit ni BEAU sa kanyang betterhalf pero nagtiis ito sa mahabang panahon. Pinilit niya umanong ayusin ang lahat pero ayaw ng cager na pag-usapan ang problema. Isang anonymous celebrity, singer o artista ang itinuturong babae umano ng player.
Nauubos daw ang pera sa mga layaw, kotse at pagtustos sa babae na may anak din.
Mas masakit umano sa asawa na visible o harapang isinasama pa ni BEAU ang babae sa guestings, commercials at iba pang events. Ipinupunto ng wifey na harapang niyuyurakan ang dignidad at reputasyon niya bilang galing din naman sa angkan ng kilalang pulitiko sa sariling lugar at dati ring nagkaroon ng movie production. Tuwing may nahuhuli umanong lumalandi at nagbabalak siyang umalis, sinasaktan siya ng hubby.
Walang takbuhan si QUEENIE kaya humingi ng legal assistance sa programa ni TV host/senatorial bet RAFFY TULFO. Mismong ina naman ni BEAU ang nakausap sa programa pero ayaw din magbigay ng ibang detalye except ang hiling na pag-usapan at ayusin ng couple ang problema pero dahil ayaw makipag-cooperate ng player, posible nang kasuhan siya ng asawa sa tulong ng programa. “ HINDi HO BA PWEDE NA MAKUHA ANG HUSTISYA KAHIT AYUSIN?’ Disidido siyang maparusahan si BEAU.
Marami na ang naipakulong ng show sa mga kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) RA 9262. Paano aayusin ng player ang posibleng kaso ng physical abuse, infidelity at lack of support sa anak?
May bansag na ‘EXTRA RICE’ si BEAU BELGA bilang basketball player at kilalang balyador sa PBA fans, kaya hindi bago ang sigaw ng bashers na : from ‘ RP: wala palang pinagkaiba yan on and off the court,’ DV: Extra rice, extra girl pa!”,YRR: Tanggalin na sa PBA yan…makakasira lang yan sa PBA!” Meanwhile, ayaw munang gumawa ng move ng ROS sa isyu dahil sensitive Ito at mas makabubuting hintayin nila ang iba pang possible moves or development mula sa mga tamang ahensyao grupo.
EJ OBIENA, HUMABLOT NG 2ND GOLD
CONGRATS to champion pole vaulter ERNEST JOHN ‘EJ’ OBIENAfor bagging his 2nnd GOLD MEDAL in PSD Bank Indoor Meeting inDortmund, Germany despite the recent negative treatment from PHILIPPINE ATHLETICS TRACK AND FIELD ASSOCIATION (PATAFA). ThruPHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) Chair WILLIAM ‘Butch’ RAMIREZ,every Pinoy sports lover prays for the mediation. Finally, lastMonday sa Senate hearing, amenable na ang both parties for the mediation. So there! HAPPY READING!