Advertisers
TODO tanggi o paghugas-kamay ni Senate President Tito Sotto sa pagpirma ng mga senador sa Senate Blue Ribbon Committee Report na may kaugnayan sa Pharmally scam.
Say ni Sotto, kandidato sa pagka-bise Presidente, nakahanda siyang magbaril sa Luneta kung may magpatunay na pinilit o ginipit niya ang mga kasamahang Senador na pumirma sa naturang Senate Report kungsaan isinasangkot si Pangulong Rody Duterte sa multi-billion pesos Pharmally scam.
Giit ni Sotto, hindi niya nabasa ang naturang report. Patunay ang hindi niya pagpirma rito.
Si Senador Richard Gordon, tserman ng Senate Blue Ribbon, ang gumawa ng report at pinirmahan ng mga miyembro ng komite.
Sa report, binanggit na dapat managot si Pangulong Duterte sa “betrayal of public trust” dahil sa pagproteka nito sa mga taong sangkot sa Pharmally scam, kungsaan napakalaking taxpayers money ang pinagsamantalahan sa kasagsagan ng pandemya sa Covid-19.
Kabilang sa mga isinasangkot sa Pharmally scam ang mga dating gabinete ni Duterte na sina Usec. Christopher Lao at Sec. Michael Yang na isang Chinese national. Dawit rin dito si DoH Sec. Francisco Duque na pinakakasuhan ng Plunder o pandarambong.
Ito ang isa sa mga kasong kahaharapin ni Duterte pagkababa niya ng Malakanyang sa Hunyo 30 kungsaan mawawala na ang kanyang immunity. Araguy!!!
***
Hindi aatras si Pacquiao
BILANG mandirigma (sa ibabaw ng ruwedang parisukat), matigas na sinabi ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao na “never” siyang aatras sa kanyang kandidatura kahit pa sabihin pang-lima lang siya sa mga survey sa top presidentiables.
“Fighter ako! Hindi ako aatras,” sagot ni Pacquiao sa panayam ng media nang magpang-lima lang siya sa surveys ng Pulse Asia at SWS kungsaan malayong nangunguna si Bongbong Marcos Jr., sumunod si Leni Robredo, Isko Moreno at Ping Lacson.
Naniniwala si Pacquiao na makukuha niya ang boto ng Visayas at Mindanao dahil siya lang ang Bisaya sa mga presidentiable.
Sa kanyang mga pag-iikot, kitang kita nga naman na dinudumog siya ng mga tao lalo na kapag nag-abot siya ng P1K. Hehehe…
Sabi nga ng ka-tandem ni Pacquiao na si Lito Atienza: “Kung ngayon gagawin ang eleksyon, landslide ang panalo ni Manny.” Hehehe…
Well, malay nga natin pagdating ng Mayo 9 ay ang P1K ni Pacquiao ang mangibabaw sa balota. You know!
***
Malaking lamang ni BBM
sa surveys may tulog
AYON sa kilalang political scientist at UP professor na si Jean Encinas Franco, si Bongbong Marcos Jr “had a strong lead, but I think it’s not impossible for other candidates to be able to overcome that.”
Si BBM ay malaki ang lamang sa mga survey ng SWS at Pulse Asia, pero sa pa-survey sa mga koliheyo at professional, landslide si Leni Robredo na suportado rin ng mga opisyal ng Simbahan at ibang religious groups.
Karamihan ng supporters ni Robredo ay kabataan, habang ang kay BBM naman ay mula sa mga dating DDS at loyalists ng kanyang pamilya.
Well, tingnan natin sa Mayo 9. Subaybayan!