Advertisers
NAG-VIRAL sa social media ang numero 14 noong Valentine’s Day nang gamitin ito ng mga Pilipino para suportahan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na numero 14 sa balota sa pagtakbong Senador sa darating na halalan, Mayo 9.
Ito ay bilang pagtugon ng mga tagasuporta ni Cayetano sa kangyang eco-friendly campaign upang makabalik sa senado matapos manawagan ang dating speaker na samahan siya ng taong bayan sa social media platforms dahil hindi sya magpapaimprenta ng posters, flyers at iba pang campaign materials nitong kampanya bilang pakikiisa sa pangangalaga sa kapaligiran.
Bumuhos ng mga Valentine’s Day post na punong-puno ng pagmamahal mula sa mga tagasuporta ni Cayetano para maisulong ang kanyang pagbabalik-senado. Kasabay nito ang paglabas ng resulta ng Pulse Asia survey kungsaan namayagpag ito sa senatorial race.
Itinampok ng ilang posts ang pagmamahal sa Diyos at kapwa, pati narin ang bayanihan at pagmamahal sa kapaligiran at pamilya. “The sense of community or family really comes from loving God above everything and everyone, then loving your neighbor as yourself,” sabi sa isang post.
Karamihan sa mga nasabing post ay naglalaman ng mensaheng, “One 4 Kuya Alan! One 4 Every Juan.” Tinawag naman ng ibang netizens ang number 14 bilang “ pinakamapagmahal na numero” sa balota. Nag-post din ang netizens ng mga video tungkol sa paksa ng pag-ibig, pagmamahal para sa isang tao, at pagmamahal para sa trabaho.
Katulad ng ginawa ng karamihan, ang mga video ay tungkol sa number 14. Happy Valentine’s Day! Punuin natin ng pagmamahal ang araw na ito mga kababayan! Binanggit ng iba ang sinabi mismo ni Cayetano: “Napakahirap man ng ating pinagdaanan nitong nakaraang taon, nawa ay maging daan ito upang lalong tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.”
Sumali rin sa naturang trend ang ilang atleta. Ika nila: “Galing ng mga atletang Pilipino ay kanyang pinaniwalaan, mula noon hanggang ngayon hindi niya kami pinabayaan. Kaya naman sama-sama tayo sa darating na halalan, #14 sa balota, Senador Alan Peter Cayetano, atin s’yang suportahan!
Si Cayetano, unang naging Senador noong 2007 – 2017 at naging Senate Majority Floor Leader at tserman ng Senate Committee on Rules, ay nagpasimuno ng isang eco-friendly campaign noong nakaraang linggo. Hiniling niya sa publiko na huwag mag-print ng posters, flyers, at iba pang traditional campaign materials na nakakasama sa polusyon.
Ayon sa dating Speaker, nakapagkolekta ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng humigit-kumulang 168.84 tons (28 truck ng basura ) ng election-related materials noong Marso 1 hanggang Mayo 14, 2019 sa Metro Manila.
Upang makatulong, minabuti ng dating House Speaker na hilingin sa kanyang mga taga-suporta na magtanim ng mga puno at mangroves o di kaya’y mag-urban farming sa pamamagitan ng backyard gardens. Isinulong din niya sa kanyang mga taga-suporta ang sustainable practices. Para sa kanya, ang kinabukasan ng susunod na henerasyon ay nakasalalay sa kasalukuyang mga gawain.