Advertisers

Advertisers

Housing support sa disaster victims, iginiit ni Bong Go

0 338

Advertisers

MULING iginiit ni Sen. Bong Go ang pangangailangang maisabatas ang Senate Bill No. 2393 o ang Rental Housing Subsidy Act na pangunahin niyang iniakda.

Ang nasabing panukalang batas ay naglalayong tulungan ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa pabahay sa mga ito.

Sinabi ni Go na marami pang magagawa ang gobyerno para matulungan ang mga Pilipino na makabangon mula sa mga sakuna.



Kaya hiniling niya ang pag-apruba ng panukalang batas na magbibigay sa mga biktima ng pansamantalang suporta sa kanila na lumipat sa isang pansamantalang tahanan matapos masalanta ng kalamidad.

“Ang bawat Pilipino po ay may karapatan na magkaroon ng maayos na tirahan kaya bilang senador ninyo ay naghain ako ng panukala para wala nang maging squatter sa ating bayan,” sabi ni Go.



“Ngayon na sunud-sunod ang mga sakuna at patuloy ang paglaban natin sa pandemya, mas lumalala ang kalagayan ng mga Pilipino. Nakalulungkot isipin na madalas, mas takot pa ang ating mga kababayan na mawalan ng tirahan kaysa magkaroon ng COVID-19. Hindi po tama ito,” idiniin niya.

Ang grupo ni Go ay nagsagawa ng distribution activity sa Gen. Tiburcio de Leon Barangay Hall sa Valenzuela City sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa safety at health protocols.



Nagbigay sila sa kabuuang pitong pamilya na nawalan ng tirahan kamakailan dahil sa sunog ng tulong pinansyal, grocery pack, bitamina, pagkain at maskara.

Ang Department of Social Welfare and Development, sa kabilang banda, ay nagpaabot din ng hiwalay na tulong pinansyal upang matulungan ang mga pamilya na matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Upang matiyak ang kanilang mabilis na paggaling, nag-alok si Go na tulungan ang mga miyembro ng pamilya na dumaranas ng malubhang sakit o iba pang kondisyong pangkalusugan na nangangailangan ng medikal na paggamot.

Pinayuhan niya ang mga ito na lumapit at humingi ng tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng alinman sa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, na ang pinakamalapit ay matatagpuan sa Valenzuela Medical Center (VMC) at Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH).

“Ito ang serbisyong ipinangako at tinupad namin ni Pangulong Rodrigo Duterte — serbisyong ramdam kahit saang sulok ng bansa. Ano nga ba ang kwalipikasyon sa Malasakit Center? Basta Pilipino, poor or indigent patient ka, qualified ka sa mga serbisyo nito. Mayroon tayong Malasakit. Centers sa Luzon, Visayas at Mindanao. Tuluy-tuloy lang ang pagbubukas nito dahil sa batas na ito,” patuloy ng senador.