Advertisers

Advertisers

High-tech hospital, ipatatayo ni Isko sa 17 rehiyon sa ”Pinas

0 249

Advertisers

MAGPAPATAYO si presidential frontrunner at Manila Mayor Isko Moreno ng state-of-the-art hospital na katulad ng Ospital ng Maynila (OsMa), sa 17 rehiyon sa bansa sa unang dalawang taon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo at kung may sapat pang pondo ay 81 pang ospital ang itatayo niya sa mga lalawigan.

Dahil ang fully-equipped at fully-airconditioned na OsMa ay malapit ng matapos, pangarap ni Moreno na matulad din dito ang mga regional hospitals kung saan ang lahat ng mamamayan sa lahat ng antas ng buhay ay makikinabang sa mga pasilidad na mararanasan lang sa mga private hospitals.

“Ako kasi, nagtae ako nung araw nung bata pa ‘ko. Alam mo naman sa public hospitals, sama-sama lahat. I’ve seen it eh, so gusto ko lang sanang mabigyan ng magandang laban ang isang mahirap na sa huling hininga niya ay nakatikim siya ng malasakit sa gobyerno,” sabi ni Moreno.



Binigyang diin ni Moreno na sa kaso ng OsMa, ang lahat ng requirements para sa isang moderno at high-tech na ospital ay ginawa, kabilang na design at bidding at lahat ng iba pang bagay na puwedeng ipatupad sa buong bansa. Kokopyahin na lamang ang buong proseso mula inception hanggang completion.

“If I can build this in Manila in less than two years and even during a pandemic, give me as much resources and I will build 80 of this on a provincial level or 17 more of this on a regional level,” sabi pa ng alkalde.



Ayon kay Moreno, hindi uubra ang tranditional mindset ng isang pulitiko na ‘pwede na,’ pagdating sa mga proyekto na ang taumbayan ang makikinabang.

Sa tuwing may programa o proyekto ang city government, sinabi ni Moreno na binibigay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang nararapat na serbisyo sa mamamayan ng Maynila at ito ay ang ‘the best service’.



Sinabi pa ni Moreno na si Lacuna, bilang Presiding Officer ng Manila City Council, ay tinitiyak na ang lahat ng kailangan para sa anumang proyekto ay maibigay at maipasa sa 38-member city council.

Sa OsMa, sinabi ni Moreno na ang free medical services ay laging ibinibigay sa lahat ng mga residente maging mayaman, middle class o mahirap.

Sa kabila na nasa finishing touches na lamang ang OsMa, inutos ni Moreno nitong January na buksan na ang emergency room bago pa manalasa ang Omicron sa bansa sa posibilidad na surge ng COVID-19 matapos ang holiday season.

Ang emergency room ay may 30-bed capacity at ang mga ito ay branded, bago at modern hospital beds. (ANDI GARCIA)