Advertisers
NANATILING mababa ang iniuulat na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala lamang ng 853 nitong Biyernes, Marso 4.
Sa mga gumaling, nadagdagan naman ng 1,062 ngunit mayroon namang 232 na pumanaw.
Mula sa kabuuang 3,665,747 na bilang ng kaso, ang 50,230 rito ay aktibo pa rin.
Nasa 3,558,747 naman ang kabuuang gumaling na at 56,770 namamatay.
Ayon sa DOH, bagama’t 232 ang naitalang pumanaw ngayong araw, nasa 5 lamang ang naganap ngayong Marso.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong March 2, 2022 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapag-sumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)