CANCER HOSPITAL, IPATATAYO NI ISKO SA PILIPINAS
Advertisers
INANUNSYO ni Aksyon Demokatiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na sakaling palarin at maging pangulo ng Pilipinas ay magpapatayo siya ng Cancer hospital sa bansa.
Ang pahayag na ito ni Moreno ay kasunod ng ginawa niyang break sa kanyang pangangampanya sa Santiago, Isabela upang makipagkita sa limang-taong gulang na batang lalaki na isang liver transplant recipient na kanyang tinulungan na mapaopera sa bansang India noong hindi pa siya mayor ng Maynila.
Ayon kay Moreno ang hangarin niyang makapagtayo ng cancer hospital ay upang hindi na kailangan pang manlimos o lumapit sa pulitiko ang mga tao.
“Nung araw, dinala ako ng nanay ko sa San Lazaro. Yung nanay ko kailangang iwan ako sa ospital para maglabada. Mahirap ang buhay kapag may sakit ka. Doble hirap,” pahayag ni Moreno.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkikita nina Rimmuel “Toytoy” Bucaling at ni Moreno. Noong 2018 kung saan dalawang taong gulang pa lamang si Totoy ay tinulungan siya ng 47-anyos na presidential aspirant upang sumailalim sa isang transplant operation sa India. Ito ay isang life-changing na karanasan para kay Totoy at sa kaniyang inang si Amy.
Si Toytoy ay mayroong pambihirang sakit sa atay na “Billary Atresia,” na kinakailangan ang agad na at si Moreno ang sumoporta sa batang pasyente.
Sinagot ni Isko ang lahat ng gastusin sa transplant operation ni Totoy na umabot P2 million. (ANDI GARCIA)