Advertisers

Advertisers

SWING VOTE

0 487

Advertisers

Lumagapak na sa ikatlong (3rd) puwesto si Vice President Leni Robredo sa mga random surveys na kinomisyon ng iba’t ibang survey firms para sa May 9, 2022 presidential elections.

Ito ang eksklusibong impormasyong ating napasa-kamay mula sa isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao BARMMN.

Nangyari ang pilit na itinatago ng kampo ni Robredo nang pormal na i-endorso ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno para sa pagka-Pangulo ng bansa sa nalalapit na Halalan2022.



Sinusugan naman ito ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu at sinabing ang buong BARMM na may kabuuang populasyon na umaabot sa 4,404,288 na kumakatawan sa mahigit 4% ng buong population ng bansa ay sumusuporta sa presidential bid ni Yorme Isko.

May kabuuan namang 2,172,959 registered voters ang BARMM na masasabing isang napakalaking puwersa at bulto ng boto para kay Isko Moreno para sa pinaka-mataas na posisyon sa pamahalaan.



Nauna nang inendorso nina Ebrahim at Mangudadatu sina Moreno at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio para sa posisyon ng Pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo sa papalapit na halalan sa Mayo 9.

Si Mangudadatu ay tumatakbo ngayon bilang gobernador ng Maguindanao kalaban si re-electionist Gov. Bai Marian Sangki-Mangudadatu, maybahay naman ni Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu, pinsang buo ni Toto Mangudadatu.



Samantala, tahasan namang sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na bagamat labis itong nagpapasalamat sa endorsement nina Minister Ebrahim at Cong. Toto Mangudadatu sa kanya sa pagka-Bise Presidente, sinabi nito na hindi na magbabago ang kanyang desisyon na suportahan ang kanyang ka-tandem sa Unity Team na si former Senator Bongbong Marcos Jr.

Binigyang-diin ni Mayor Sara na may responsibilidad at obligasyon siyang isulong at igapang ang kandidatura ni BBM sa pagka-Pangulo ng bansa “in all cause” upang proteksyonan ang mga boto nito sa kanyang tinaguriang stronghold sa buong Minadanao at Kabisayaan.

Tanging si Marcos Jr. lamang ang kanyang dadalhin at ng kanyang pamilya sa presidential race.

Idiniin pa ni Mayor Sara na suportado rin niya ang buong senate slate ng Unity Team.

“Wala kaming iwanan sa ere”!

“Mataas ang respeto ko kay BBM at sa pamilya Marcos na may ilang dekada nang kaibigan ng aming pamilya. Naniniwala ako na si BBM ang most qualified at deserving presidential bet para muling mapagkaisa ang buong bansa na sad to say ay nagkawatak-watak ng dahil sa bangayan sa pulitika”, pahayag pa ng Davao City Mayor.

Kung ganitong sinasabi nina BARMM Chief Minister Ebrahim at Congressman Mangudadatu na laan nilang ipakaloob kay Isko Moreno ang mahigit sa dalawang (2) milyong boto habang si Mayor Sara Duterte naman ay nagsasabing ang boto niya sa Mindanao at Kabisayaan ay boto na rin ni BBM, saan pupulutin ang kandidatura ng Pinklawan na si Robredo na sa Metro Manila at Luzon ay poor second placer pa rin “KUNO” kay Marcos Jr. sa mga surveys?

Ayon kay Political Science Professor Clarita Carlos ng University of the Philippines, sa kasaysayan ng pulitika at halalan sa Pilipinas, isa ang probinsiya ng Maguindanao sa nagrehistro ng pinaka-lopsided at most controversial election results noong 2007 presidential elections kung saan, nakahabol si former president and re-electionist Gloria Macapagal Arroyo (GMA) kay action superstar Fernando Poe Jr.(FPJ) na lumamang ng mahigit sa kalahating milyong boto kay GMA sa Luzon.

And the rest was history despite its controversies.

Ang pinupunto po natin dito,gustuhin man natin o hindi, hirap ang mga awtoridad na makontrol ang halalan sa area ng Maguindanao,Sulu at maging sa Basilan.

Kung ganitong hayagang nagdedeklara ng kanilang susuportahan sina Mayor Inday Sara Duterte sa mga boto ng mga Kristiyano sa Mindanao para kay Marcos Jr. at ang mga kapatid naman nating mga Muslim na si Chief Minister Murad Ebrahim at Maguindanao Cong. Toto Mangudadatu para naman kay Yorme Isko, kundi man latak ay wala talagang mapupulot o mapapalimos na boto itong si Robredo mula sa mga rehiyong ito.

Not withstanding na ang Mindanao ay inaasahan ding pagsasalukan ng malaking bulto ng boto ng batang-Mindanao din at boxing icon na si Manny Pacquiao.

Sa survey nga na isinagawa ng DZRH-Manila Broadcasting Company (MBC) at ng Manila Bulletin nitong kalagitnaan ng Enero 2022, pumang-apat (4th spot) lamang si VP Robredo sa presidential surveys sa Mindanao na pinangunahan ni BBM, Isko Moreno and Manny Pacquiao in that exact/particular order kung saan hindi lalagpas sa 2-3 percent ang inilaman ni Moreno kay Pacman.

Malinaw po ‘yan mga ka-Maritess!

May mga data po tayong pinagbasehan sa ating isiniwalat.

Marahil ito rin ang pangunahing rason kung bakit tila na-set up si Manila Mayor Isko Moreno sa latest debate na inorganisa ng CCN-Philippines kung saan isa sa mga kontrobersiyal na itinanong sa mga presidential aspirants ay ang tungkol sa “campaign contributuons/donations” sa mga kandidato.

Alam na kung saang kampo nagmula ang tila pagsabotahe kay Yorme Isko.

Kasi ramdam na ng kampo ng mga Pinklawan na napakalakas na ng datingan at pagremate nitong si Yorme Isko sa mga surveys papalapit ng finish line.

Actually, kung susumahin ang total na puntos sa mga surveys na kasali ang Visayas at Mindanao ratings, poor 3rd place na lamang po si Aling Leni behind Marcos Jr. and Mayor Isko Moreno.

Credit this sa endorsement ng BARMM at ng mga kapatid nating Muslin kay Yorme Isko.

Kaya naman pala aligaga na at nangangatog ang mga tumbong ng mga political handlers nitong Lugaw Queen hehehe!

Ang tinaguriang “powerful swing vote” ng Visayas at Mindanao will tell everything!

Kung may kinakabog ngayon at nangangatal sa nerbiyos, alam na kung sino hehehe!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com