Advertisers
Dumalaw si aspirant Vice President Davao Mayor Sara Duterte sa Manila Muslim Community and Grand Mosque and Cultural Center, Globo de Oro St., Quiapo, Manila at tumungo sa Galas Covered Court, Bagong Buhay Sr. Brgy. Unang Hakbang Quezon ciy nitong Sabado, Marso 5.
Pinangunahan ni Datu Bong Alonto ang pagbubuklod ng mga kapatid na Muslim mula sa iba’t ibang barangay at distrito at ipinakita nila ang kanilang buong suporta sa BBM-Sara UniTeam.
Naging punong abala si Admin. Sultan Omar Sarip sa nasabing pagbisita ng agila ng Davao.
Ipinakita ni Sara ang buo nitong suporta sa kanyang ka-tandem na si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na kasalukuyang tumatakbong Pangulo ng banda.
Ipinahayag din ni Mayor Sara ang kanyang pagsuporta sa local candidates ng UniTeam sa Maynila partikular na ang Mayoralty canditate Atty. Alex Lopez at aspirant Vice Mayor Raymond Bagatsing.
Ayon kay Sara, naniniwala siya sa kakayahan ni BBM, dahil marami na itong naging karanasan bilang legislator na kailangan ng bansa.
Nagpapasalamat naman si Atty. Lopez sa ibinigay na suporta ng mga kapatid na Muslim at sa mga district leaders sa isinagawang pagdalaw ni Mayor Sara sa Maynila.