Sa sandaling manalo: Atty. Lopez ive-veto lahat ng dagdag na buwis, utang ng Maynila ‘di ipapasan sa mga Manilenyo
Advertisers
TINIYAK ni Manila Mayorality Candidate Atty. Alex Lopez na kanyang tutulan at ive-veto ang lahat o anumang dagdag na buwis na pagtitibayin ng konseho ng lungsod ng Maynila.
Ito ay sa sandaling mahalal siya bilang Alkalde ng lungsod matapos ang magiging resulta ng halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Lopez wala siyang balak na dagdagan ang pagpapahirap sa mga mamamayan ng Maynila.
Ipinunto ni Lopez na mayroong sapat na pera ang kaban ng bayan ng lungsod para maihatid ang tamang serbisyo sa mga tiga Manila.
Tinukoy din ni Lopez na sa ilalim ng Mandanas Rulling na kung saan nakapaloob ang Internal Revenue Allotment (IRA) shares ng bawat lungsod at munisipalidad para sa kanilang bahagi mula kabuuang pera o pondo ng pamahalaan.
Sinabi ni Lopez na hindi din dapat taasan ang anumang singilin na binabayaran ng mga mamamayan paraa lamang madagdagan ang pondo ng lungsod.
Bukod dito siniguro din ni Lopez na hindi niya ipapasa o pababayaan ang taong bayan na magbayad ng pagkakautang ng lungsod mula sa nakalipas na administrasyon.
Iginiit ni Lopez na mayroong sapat na pagkukuhanan ng salapi ang lungsod para mabayaran ang utang.
Batay sa napag-alaman o natuklasan ng kampo ni Lopez ay mayroong nautang na 15bilyong piso ang kasalukuyang administrasyon ang lungsod.