Advertisers

Advertisers

Nasunugan sa Baseco inayudahan ni Atty. Lopez

0 457

Advertisers

Nagpaabot ng agarang tulong  si Atty. Alex Lopez sa mga nasunogan sa Baseco Port Area compound Manila nitong Sabado ng hapon.

Namigay ang Alex Lopez Emergency Response Team (ALERT) ng help pack sa 224 pamilyang naapektuhan sa naturang insidente.



Umagapay din ang isa sa mga anak ni Atty. Alex na si Lorna Lopez sa pamimigay ng tulong sa mga nasunogan.

Nangako si Atty. Alex na kung mahalal siyang alkalde, bibigyan niya ng libreng pabahay ang mga Manilenyo.



Matatandaang naganap ang sunog 8:35 ng umaga nitong Biyernes sa Amadome Block 5 sa Baseco Compound, Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), gawa sa mga light materials ang mga bahay na nilamon ng malaking apoy sa nasabing compound at agad itong itinaas sa ikalawang alarma.



At 10:57 naman ng umaga ng ideklarang fireout ang sunog dahil na rin sa pagtulong-tulong ng BFP-NCR, Manila Fire Department at Fire Volunteer kaya’t tuluyan itong maapula.

Ipinahatid ni Lopez sa mga nasunugan na huwag mawalan ng pag-asa dahil muli naman silang makakabango sa mga darating na araw.

Umabot sa may 751 pamilya ang nasunugan na kasalukuyan nasa Baseco evacuation center.