Advertisers
DALAWANG magkasunod na araw ang ginawang pangangampanya ng Kusug Tausug party list sa mga lugar na tinitirhan ng mga Muslim sa Pampanga, gayundin sa mga imams at ilang lider Kristiyano sa Kamaynilaan.
Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Representative Shernee Tan-Tanbut ang komunidad ng mga Muslim sa barangay Sto Nino at San Rafael sa Guagua, Pampanga at mga lider-Muslim sa Arayat sa naturang ding lalawigan noong Marso 4.
Ang makasaysayang bayan ng Guagua ay nagsilbing tahanan ng libo-libong Muslim na lumipat dito mula sa Mindanao habang marami rin pamilya ng mga Mulsim ang naninirahan sa Munisipalidad ng Arayat. Inilahad sa kanila ng Kusug Tausug party list ang kanilang layunin ng malawakang pag-unlad.
Hinimok ni Cong. Tan-Tanbut ang mga kapuwa niya Muslim na tulungan siyang mapadami ang kinatawan ng mga Muslim sa kongreso. Binanggit niya kung paano nakatulong at nakapag-ambag ang mga Muslim sa paglago ng kabuhayan sa pinirmihan bayan kasabay ng paghimok na ipagpatuloy ang magagandang gawain bilang mga produktibong mamamayan ng Pampanga.
Nauna rito’y sinaksihan ni Cong. Tan-Tanbut ang paglagda sa isang Peace Covenant na itinaguyod ng COMELEC at pagbigkas ng Integrity Pledge ng lahat ng kandidato sa lalawigan ng Pampanga na ginanap sa San Fernando City bago siya tumuloy sa Muslim Center ng Barangay San Pedro, sa naturan ding lungsod. Dumalo naman sa impormal na pagpupulong sa Arayat ang alkalde ng naturang bayan na si Mayor Emmanuel Bon Alehandrito at kandidato sa pagla-alkalde na si Madeth “Madir” Alejandrino, na kapuwa tumatakbo sa lokal na partidong Kambilan.
Kinabukasan, dumalo si Cong. Shernee Tan-Tambut sa konsultasyon ng mga purok lider ng Munisipalidad ng Lubao, Pampanga na inorganisa ni Pampanga Vice Governnor Lilia “Nanay” Pineda. Matapos ang kaganapan, nagtungo siya sa interfaith meeting sa Quezon City sa pagitan naman ng mga Muslim ulamas ng National Capital Region at lider-Kristiyano ng Metro Manila. Sinamahan si Cong Shernee sa kanyang pagbisita sa Pampanga at Quezon City ng kanyang asawang si Capt. Marjani “John” Tambut.
Sina Cong. Tan-Tambut at kanyang asawa ay inilibot sa Pampanga ni dating Pangulo at Speaker of the House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo na tumatakbo ng walang katunggali bilang kinatawan sa ikalawang distrito ng Pampanga na sumasakop sa anin na bayan, kabilang na rito ang Lubao at Guagua.