Advertisers
ISA sa mga ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong 2020 ay mangutang nang mangutang.
Pokaragat na ‘yan!
Ayon sa IBON Foundation, umabot sa P5.3 trilyon ang inutang ni Duterte sa iba’t ibang bangko at pinansiyang institusyon.
Ang idinahilan ni Duterte ay pangangailangan ng malaking pera upang pondohan ang mga proyekto ng administrasyon laban sa corona virus disease – 2019 (COVID – 19).
Dahil sa ginawa ni Duterte, lumobo sa P12.03 trilyon nitong Enero ng kasalukuyang taon.
Pokaragat na ‘yan!
Nabaon na tayo sa utang.
Pero, sabi ng IBON Foundation ay hindi talaga ginamit ang buong P5.3 trilyon laban sa COVID – 19.
Hanggang nitong Setyembre 2021, umabot lamang sa P570 bilyon ang ipinantistos sa COVID – 19, wika ng IBON.
Natuklasan ng IBON na P2.17 trilyon ang ipinambayad sa umiiral ng bansa sa mga bangko at pampinansiyang institusyon.
Pokaragat na ‘yan!
Sabi ng IBON, P809 bilyon sa P2.17 trilyong debt servicing ng bansa ang ibinuhos sa interes.
Ang ibang perang inutang ay ginamit sa pondo sa mga proyektong imprastraktura ng administrasyong Duterte.
Napakasahol ng ginawa ni Duterte , sapagkat ang magbabayad nito ay tayong mga Pilipino.
Syempre, pinakakawawa ang mga pangkaraniwang tao na napakababa ng kinikita bawat araw.
Dapat matigil na ang pangungutang nang walang katuturan.