Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI naitago ni Angel Locsin ang inggit sa mga kaibigan na nabuntis tulad ni Anne Curtis.
Buntis na ulit si Dimples Romana at preggy rin si Angelica Panganiban na first time mom.
Kung pagbubuntis din lang ang pag-uusapan, plano rin nina Angel at Neil Arce na magka-baby na sila.
Matatandaan na after maikasal ang couple ay never pa silang nag-honeymoon dahil sa pandemic.
Pero pinag-uusapan na nina Angel at Neil ang pagkakaroon ng anak.
Pero ‘di pa raw napapanahon na mabigyan sila ng kanyang mister ng supling.
Gustuhin man ng dalawa na magkaroon na agad ng anak ay di pa nga raw ubra.
Inamin naman ni Angel na mayroon siyang problema kung bakit di pa nagbubuntis. May thyroid problem nga si Angel na kasalukuyang ginagamot.
Bumilib naman ito sa kaibigan na si Anne na hands on sa pag-aalaga sa kanilang anak ni Erwan Heussaff.
Ganun din daw ang gagawin ni Angel if ever mabigyan na sila ng anak ni Neil.
Sa ngayon ay ‘di naman sila nagmamadali na magkaanak habang hindi pa nawawala ang kanyang thyroid problem.
***
SA You Tube vlog ng actress na si Bea Alonzo ay may nilinaw ito tungkol sa kaibigang si Piolo Pascual.
Tinawagan ng aktres ang aktor to confirm at tanungin ang nakarating sa kaalaman ni Bea kung may sama ba ng loob si Piolo sa kanya.
Ask agad ni Bea na na may nakarating sa kanyang kaalaman na tila masama raw ang loob ni Piolo sa paglipat nito sa GMA-7 matapos na maging tahanan ang ABS-CBN.
Nakikinig lang si Piolo sa call ni Bea na dapat daw at deretsa siyang kinausap dahil magkaibigan naman sila.
Saad naman ni Piolo, bakit naman daw sasama ang loob niya kay Bea.
Choice at desisyon nga raw ng aktres kung gusto nitong lumipat at ‘di nga raw sumama ang loob nito sa paglipat ni Bea.
Hindi na nakatiis ang aktres at tila nag-iinit na ang tono ni Piolo kaya inamin nito na prank call lang ‘yun
Sabay sabi ni Piolo na ‘Adik ka ‘yun na ‘yun’ at bago pa binaba ni Bea ang phone ay inamin nito na na-miss nito ang kaibigan at magkita naman daw sila.
Well, well, well…’Yun na!