Advertisers

Advertisers

PAMAMAHAGI NG FUEL SUBSIDY SA MGA TSUPER TULOY NA – LTFRB

0 317

Advertisers

NAGLABAS ng hinaing ang ilang tsuper at delivery rider nitong Martes na wala pa rin silang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan kahit nagpatuloy na ang pamamahagi ng fuel subsidy.

Ayon sa ilang delivery rider sa ilang lugar sa Quezon City, hindi pa rin nila nakukuha ang P4,500 ayuda na dapat sana’y didiretso sa kanilang e-wallet.

“Hindi nga malaman kung anong gagawin. Talagang ganoon ata, pangmatagalan ang bigayan,” ayon sa rider na si Ariel Esportuno.



“Nag-fill up na po kami sa online pero hanggang ngayon wala pa rin. Matagal na po ‘yon,” pahayag naman ni Kobi Herrera.

Nasuspinde ang programa habang hinihintay ng mga awtoridad ang exemption mula sa spending ban sa panahon ng kampanya para sa May 9 elections.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), itinuloy noong Biyernes ang pamamahagi ng ayuda pero hindi pa nabibigyan lahat ng benepisyaryo.

“Mayroon tayong in various stages in payroll preparations kaya ‘di po magsasabay-sabay pero ito ay magtutuloy-tuloy na po,” ani LTFRB Executive Director Tina Cassion.

Sa isang jeepney terminal na may 200 driver, nasa 10 pa lang umano sa kanila ang nakakuha ng fuel subsidy.



“Sana kahit isarado na lang sa P10 ang pamasahe kung ‘di man kami mabigyan ng fuel subsidy namin,” pahayag ng driver na si Reynaldo Escanilla.

Ayon sa LTFRB, may ikalawang bugso ang ayuda at kung sino ang nakakuha ngayon ay makakatanggap ulit.

Pero ang tulong para sa tricycle drivers, wala pang linaw kung kailan maibibigay dahil wala pang isinusumiteng listahan ng mga benepisyaryo ang Department of the Interior and Local Government. (Mula sa Patrol.ph)