Advertisers

Advertisers

SANDOVAL MALAMANG MA-DISQUALIFY!

0 230

Advertisers

SINAMPAHAN ng isang malakas ng kaso ng disqualification sa Commission on Elections (COMELEC) si Malabon City mayoral candidate Jeannie Sandoval. Ito ay matapos makuhanan ng larawan ang naturang kandidato sa gilid ng isang government bus ng Department of Health (DOH) na may #Kakampi na nakapinta sa harapan nito. Ang naturang hashtag ay campaign slogan ni Sandoval at ginamit din umano ang parehong DOH bus para sa isang campaign activity sa Barangay Catmon ng naturang lungsod noong April 20, 2022.

Sinabi din sa kaso na may personal na kaalaman ang witness na namimigay si Jeannie Sandoval ng isang libong piso sa mga botante ng Malabon City kapalit ng pagboto sa kanya. Ginagawa ito ni Sandoval sa karatig bayan na Navotas City kung saan dating natalo na ang asawa nitong si Ricky Sandoval bilang mayor noong 2007.

Ang mga naturang gawain ay election offenses sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa paggamit ng anumang sasakyan ng gobyerno para sa pangangampanya ng isang kandidato at pamimili ng boto na parehong maaring magresulta sa disqualifcation. Kitang-kita ang matibay na ebidensya ng larawan na isinama sa pagsasampa ng kaso ni Diane Bautista na isang residente sa Malabon City.



Matatandaan na si Jeannie Sandoval ay dating vice-mayor ng Malabon City at inilampaso ng kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Lenlen Oreta noong halalan ng 2019.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">