Advertisers

Advertisers

BASKETBALL LIFE TULUY-TULOY SA COCOLIFE

0 159

Advertisers

MATAPOS ang pagkatengga ng lahat ng aspeto sa buhay kabilang na ang sports partikular ang larangan ng basketball,sa pagluwag ng health protocol ng pandemya ay tuloy na ang pagbabalik ng mga aksiyon sa hardcourt magmula sa professional leagues,commercial, regional at collegiates na labis ding ikinagalak ng cage fans nationwide.

Katunayan ay muling dinagsa to the rafters ang katatapos na PBA conference na dinomina ng crowd favorite Ginebra San Miguel.

Nabuhay muli ang layunin ng kumpanyang COCOLIFE na itaguyod ang mga basketball development sa collegiate ,regional /commercial at pro – league patunay dito ang matagumpay na nairaos na COCOLIFE Pilipinas Super League na naging blockbuster sa Visayas at Mindanao.



Nagkampeon sa naturang Pambansang Liga ng Pilipino na itinatag ni Pres. Rocky Chan katuwang sina VP Ray Alao at Comm. Marc Pingris ang Cocolife- backed Davao Occidental Tigers.

“ Tuloy ang winning tradition na isinusulong ng ating kumpanyang COCOLIFE .Mithiin natin ang taas ang level of excellence sa lahat na aspeto ng buhay kabilang na ang sports particular in basketball”,pahayag ni Cocolife AVP Business Development head and basketball operation in charge Aries Christopher Conde.



Hindi doon titigil ang misyon na adbokasiya ng COCOLIFE sa suporta ng Presidenteng si Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan,EVP Araque and AVP Conde.

Nitong nakarasng weekend lang ay muling nabuhayan ang pag-asa ,tumaas ang adrenaline at sumidhi ang will to fulfill dream in winning sa kanilang cage leagues ang Jose Rizal University ng NCAA at Enderun Colleges sa NAASCU atbp.dahil pormal nang sinertipika ng COCOLIFE ang pag-sponsor ng kumpanya sa basketball program ng JRU at Enderun.”Tuloy ang buhay- basketball sa COCOLIFE”,ani SVP Otep Ronquillo na siya ring marubdob na layon ni COCOLIFE Ambassador PBA at Gilas star Kiefer Ravena… MABUHAY!!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">