Advertisers

Advertisers

Clarence Esteban bagong head coach ng Chery Tiggo

0 240

Advertisers

TINAPIK ng Chery Tiggo ang dating UAAP MVP na si Clarence Esteban na maging bagong head coach sa susunod na Premier Volleyball League (PVL) season.

Inanunsyo ng team Huwebes na kinuha nila si Esteban bilang kapalit ni 2021 Open Conference champion Aaron Velez.

Si Esteban ay assistant coach ng Mapua Lady Cardinals women’s team at coach ng University of Santo Tomas high school boy’s team.



“Being the new head coach of Chery Tiggo is very challenging. Laking pasasalamat po namin sa management sa binigay na trust sa amin mga coaches to lead and guide this team,” anya.

Si Esteban ay hindi na bagito sa championship. Tinanghal na UAAP Season 73 MVP at Best Blocker at naging bahagi sa coaching staff ng Philippine Air Force sa ilalim ni coach Jasper Jimenez.



Ang Chery Tiggo ay nagmula sa eight place finish sa 2022 PVL Open Conference at nakatakdang e-welcome back si Jaja Santiago sa lineup para makasama ang kanyang kapatid Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat.

Makakasama ni Esteban sa kanyang staff sina Yani Fernandez,Brian Esquibel, Robertly Boto at Kevin Sto.Tomas Villegas.



Ang Crossovers ay naghahanda para sa Asian Invitationals sa July at ang Reinforced Conference sa final quarter ng taon.