Advertisers

Advertisers

Ate Rose Lin, nagpasalamat sa Distrito 5 at sa lahat ng sumuporta

0 371

Advertisers

“ANG tagumpay ko ay tagumpay nating lahat. Dahil ako lamang ang magsisilbing boses ninyo sa Mababang Kapulungan at dadalhin ko kung ano ang hinaing ninyo, tungo sa isang masaganang bukas para sa lahat ng mamayan ng Distrito 5. Maraming maraming salamat po.”

Ito ang madamdaming pasasalamat na ginawa ng leading Congressional candidate ng District 5, Quenzon City sa lahat ng mga nagbigay tiwala sa kanya upang siya ay suportahan at samahan sa simula pa lamang ng kanyang laban na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente sa nasabing distrito.

“Sa simula pa lamang ay alam ko ang susuungin ko sa pagpasok ko sa larangang ito ng pulitika. Alam ko na hindi ito madali. Kabi-kabila ang paninira sa inyong lingkod. Hindi matapos-tapos ang banat at ang mga bintang. Pero dahil ako po ay pinag-aral at nagabayan ng mga Paring Agustinian, ako po ay naging matatag at ipinasa-Diyos ko na lang po ang lahat,” pahayag ni Ate Rose Lin.



Ayon kay Ate Rose Lin, isang malaking hamon para sa kanya na isang baguhan at wala pang karanasan sa pulitika na pasukin ang larangang ito. Pero dahil naipangako na niya noon pa ay nais niyang ibalik, lalo na sa mga kabataan ang pagpapaaral na naranasan niya sa piling ng mga Agustinian priests kung kaya itinatag niya ang isang scholarship kung saan lahat ay puwedeng makapag-aral ng libre hanggang sa makatapos ng walang maitaining average.

“Ito po pangarap ko noon pa. Ang makita ang mga kabataan na nagsisipag-aral ng libre sa kolehiyo at makita ang kanilang mga magulang na panatag at walang iniisip na gastusin sa kanilang pag-aaral,” ayon pa kay Ate Rose Lin.



Sinabi pa ni Ate Rose Lin na habambuhay niyang tatanawin sa lahat ng nagbigay sa kanya matapat na suporta at pagtitiwala. Hindi-hindi aniya niya makakalimutan ang lahat ng mga hinaing at daing na kanyang personal na naranasan mula sa mga mamamayan ng Distrito 5 at ito aniya ay dadalhin niya sa Konggreso.

“Isang malaking utang na loob po na ipagkatiwala ninyo sa akin ang inyong suporta. Noon una ay may kaba ako sa aking pinasok na larangan, pero nang makita ko po ang inyong pagtitiwala at suporta na lalo pang dumadami sa bawat araw ay lumakas ang loob ko. Tumapang ako, at sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mabibigo dahil kasama ko ang mamamayan ng Distrito 5 sa simula hanggang sa wakas,” pahayag pa ni Ate Rose Lin.



Samantala sinabi naman ni Atty Manuel Jeffrey David, abogado ni Ate Rose Lin na naniniwala sila na kahit na ano pa ag ibinatong paninira at mga bintang sa Ate ng Distrito 5 ay hindi ito makakaapekto sa napakataas na showing nito sa mga surveys at mga botante ng District 5. Kaya naman tiwalang-tiwala ang kampo ni Ate Rose Lin na nasa kamay na nila ang tagumpay.

Kaugnay pa nito, sinabi rin ni Atty. David na makikipagtulungan sila sa lahat ng kanilang mga nakatunggali

“Kami naman ho, iyan ang pananaw namin. Kasi alam namin kapag palarin kaming manalo kailangan din naman namin ang tulong nila. Kailangan din namin silang kupkopin. Stakeholder sila dito, kasi sila yung matagal na sa distrito. Sila yung matagal ng nakakaalam ng mga pangangailangan ng distrito, pasensyahan na lang tayo hindi natutugunan. Pero ang point namin dito is yan ho ang intensyon namin dito,” ayon kay Atty. David.