Advertisers

Advertisers

Cagayan Province Governatorial bet Dra. Lara nanawagan ng clean and honest election sa May 9

0 424

Advertisers

Disqualification ang dapat na kaharapin ng incumbent Cagayan Province Governor Manuel Mamba sakaling mapatunayan itong sangkot sa lantarang vote buying sa nasabing lalawigan.

Gamit umano ni Gob. Mamba ang sinasabing ayuda subalit ito ay pronta lamang para maisagawa ang lantarang vote buying upang tiyakin nito ang pagkapanalo sa governatorial race sa darating na May 9, 2022.

Nanawagan sa Comelec si 3rd District Cagayan Representative John ‘Jojo’ Lara ng agarang imbestigasyon ng sa gayon ay kaagad na mapatawan ng diskuwalipikasyon dahil sa ginagawang pamimili ng boto sa mga mamamayan ng lalawigan ang incumbent Governor.



Ayon kay Cong. Lara mayroon silang pinanghahawakang ebidensiya sa pamamagitan ng mga video footage na pila pila ang mga tumatanggap ng umano’y ayuda na tig isang libo na umanoy nagmula sa pondo ng lalawigan.

Binanggit rin ng Mambabatas na bukod sa mga video footages ay may mga umamin din sa kanila na mga indibidwal na sila ay tumanggap ng pera mula sa mga tauhan ng gobernador, “maliwanag pa sa sikat ng araw na nararapat lamang na ma-disqualified si gob. Mamba dahil sa ginagawa nitong vote buying” ani pa ni Lara.

Binigyang diin pa ng Mambabatas na ilang araw na lang at halalan na, kailangan ng kumilos ang Comelec habang may oras pa at agad na mapatawan ng Omnibus Election code dahil sa sinasabing vote buying ng mga tauhan ng gobernador.

Hindi na rin pinalampas ng kalaban sa pagka Gobernador ni Mamba na si Dra. Zara Lara may bahay ng kasalukuyang 3rd district Congressman ang umanoy lantarang vote buying kung kaya’t panawagan nito sa kanilang constituents na maging mapanuri, huwag magpabola at higit sa lahat maging matalino sa pagpili ng ibobotong kandidato.

Nanawagan din ang Governatorial candidate Dra. Lara sa mamamayan ng Cagayan na maging mahinahon, mapagmatyag at panatiliing clean and honest election.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">