Advertisers

Advertisers

Survey: Robredo sure win sa Mayo

0 356

Advertisers

NAKAKUHA si Vice President Leni Robredo ng malaking kalamangan sa mahigpit na katunggali para sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa survey na ginawa ng alumni at dating faculty members ng University of the Philippines, Ateneo at La Salle.

Batay sa pambansang survey na sinalihan ng 4,800 registered voters at ginawa mula Abril 18 hanggang 22, 2022, nakakuha si Robredo ng rating na 57.39 porsiyento, o katumbas ng 39,441,581 mula sa 68.7 milyong registered voters ng bansa.

Sa kanyang parte, nagtamo si Marcos ng 38.27 porsiyento o katumbas ng 26,301,260 boto.



Ilang araw bago ang halalan sa Mayo 9, tinawag na “undefeatable” ang lamang ni Robredo na 19.12 porsiyento o katumbas ng agwat na 13.1 milyong boto.

Sa mga rehiyon, nakuha ni Robredo ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Region IV-A, Region IV-B and Regions 5, 6, 7, 9, 10, 11 at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Ginamit ng survey ang multi-stage sampling kung saan naging random ang pagpili sa mga respondent upang matiyak na lahat ng registered voter ay mabibigyan ng tsansa na lumahok sa survey.

Sa tulong ng multi-stage random probability sampling, nasiguro na lahat ng antas ng lipunan ay kasama sa survey, mula sa Class A hanggang E. Patas din ang bilang ng sample mula sa babae at lalake.



Kamakailan lang, nanguna si Robredo sa survey na ginawa ng Radyo Veritas sa mga Katolikong botante.

Nakakuha siya ng 48 porsiyento sa “Veritas Truth Survey” na ginawa mula Abril 1 hanggang 30 na may 2,400 respondents sa buong bansa at margin of error na plus-minus 3 percent.

Dagdag pa rito, angat din si Robredo kay Marcos pagdating sa Google Trends na may 55 porsiyento kumpara sa 24 porsiyento ni Marcos.

Matagumpay na natukoy ng Google Trends ang nanalo sa halalan sa France kamakailan, pati na ang mga nagwagi sa eleksiyon sa Estados Unidos mula 2004 hanggang 2020 at sa 2019 presidential polls sa Brazil, Spain, at Canada.