Advertisers
NAKATAKDANG mag-convene ang Senado bilang impeachment court sa Lunes, Mayo 18 o sa lalong madaling panahon.
Ito ay makaraang kumpirmahin ni Senate President Alan Peter Cayetano na natanggap na ng Senado ang Articles of Impeachment mula sa Kamara de Representantes laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa liham ni Cayetano kay House Speaker Faustino Dy III na may petsang Mayo 14, nakasaad na mag-uumpisa ang pag-convene ng impeachment court, dakong 3:00 ng hapon.
“Sa Monday, nasa order of business ‘yon. Ibibigay sa rules like any other. ‘Yung majority leader, acting majority leader, kanyang ipe-present. The likely scenario is we will organize muna the Senate so may mga committees, take that up. From the majority side,” pahayag ni Cayetano sa press conference.
Wala naman aniya siyang nakikitang amendment sa rules at masaya rito ang majority bloc ng Senado kasunod ng kanilang caucus noong Miyerkules.
Tiniyak din ni Cayetano na anumang magiging antala sa proseso ay hindi manggagaling sa mayorya.
“That’s why sa letter, I just want it to be safe, sinabi ko do’n on Monday or the soonest time or forthwith. If everyone agrees to the rule, I do not see any reason why hindi kami makapag-convene sa Monday,” diin niya.
Ipinaliwanag ni Cayetano na sa oras na magkaroon ng motion to convene, siya ang mauunang mag-oath bilang presiding officer ng impeachment court, kasunod ang 23 senador.
Susunod naman aniya ang pag-iisyu ng mga summon at pagsisimula ng pormal na proseso ng impeachment court.
Ang hakbang ay bahagi ng pormal na proseso ng impeachment na isasagawa ng Senado bilang impeachment tribunal para sa kaso ng Bise Presidente. (Mylene Alfonso)