Advertisers

Advertisers

Sa pagpaputok sa loob ng Senado…APLASCA SUSPENDIDO NG 6 BUWAN!

0 5

Advertisers

INANUNSYO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa publiko ang pagpapataw nila ng anim na buwan na preventive suspension kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay sa naganap na kaguluhan sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13.

Sa isinagawang press conference ni Remulla nitong Biyernes, Mayo 15, sinabi nitong pinirmahan na niya ang rekomendasyong nagpapataw ng nasabing suspensyon kay Aplasca.

“There was a recommendation and I signed for six months preventive suspension of the acting Sergeant-at-Arms of the Senate Mao Aplasca for what happened on the other night,” pagsisimula niya.



Paliwanag ni Remulla, layunin ng pagsususpinde nila kay Aplasca na mapadali ang kanilang imbestigasyon sa naganap na insidente sa Senado.

Ayon kay Remulla, kinakailangan daw kasi nilang mapag-aralan ang buong naganap na insidente sa Senado mula noong gabi ng Miyerkules hanggang sa makatakas si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa protective custody ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).



Layunin ng preventive suspension na mapanatili ang mga dokumento at ebidensiyang nasa kanyang pangangalaga at maiwasan ang anumang posibleng impluwensiya sa kaso.

Kasabay nito, naglabas din ang Ombudsman ng Subpoena Duces Tecum para sa CCTV footage ng ikalawang palapag at basement parking ng Senado mula Mayo 13 hanggang Mayo 14, 2026.



Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng insidente at ang posibleng pananagutan ni Aplasca.