Advertisers
‘BESO (Belmonte-Sotto) tandem’ ang iiral na boto ng mga Quezon Citizens ayon sa HKPH- Public Opinion and Research Center at Asia Research Center ngayong araw ng halalan Mayor 9, 2022.
Hindi lamang sa pagtaya ng HKPH ang resultang ito, kung di maging ang resulta ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) research and survey, si Mayor Joy Belmonte ang uupong muli na mayor at siguradong panalo!
At si Vice Mayor Gian Sotto ang mananatili pa ring Quezon City Vice Mayor pagkatapos ng eleksiyon 2022.
Lumalabas sa dalawang survey, na buo na ang desisyon at nakapagpasya na ang mga botante sa Quezon City na ang team “BeSo” pa rin ang kanilang iboboto at ipapanalo, upang magpatuloy ang magandang serbisyo-publiko ng mga dati nang nanunukulang mga lokal na opisyal ng lungsod na kabilang sa SBP o Serbisyo sa Bayan Party.
Sa pinaka-huling HKPH survey 63 percent ng mga botante ang naghayag na ang iboboto nila ay ang ‘BeSo’ tandem. Samantalang ang sa RPMD survey naman ay 65 percent pa nga ang score ng Belmonte-Sotto team.
Malinaw na kahit umistilo ng iba’t ibang paraan ng pagmimili ng boto ang tambalan naman nila Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor at Winnie Castelo nitong mga nagdaang huling mga araw ay ilalampaso pa rin sila ng Belmonte-Sotto tandem.
Sinamantala ng dalawa ang malaking rally para sa ‘miting de avance’ ng kanilang presidentiable nitong nakaraang Sabado at hinakot ang mga botante ng QC para dumalo dito na may kabayarang limang daang piso (P500) para lamang sumama.
Nang maisakay sa mga bus ang mga mahikayat ipinamigay ang tag-lilimang daang piso kada botante at hinikayat na ring iboto ang dalawa.
Ngunit nadismaya ang mga nagsisama sa rally dahil hindi na sila binalikan ng mga bus na naghatid sa kanila, at napilitan silang magsi-uwi sa pagsakay ng taxi sa kalagitnaan ng hating gabi at gumasta ng pamasahe na nagkakahalaga ng P350.
Sa panghihinayang at pagod na inabot ng mga botante, ipingdiinan nilang hinding hindi nila iboboto sin Defensor at Castelo.