Advertisers

Advertisers

Isko, nagpasalamat sa mga taga-Tondo sa kanyang 23-taon bilang public servant

0 354

Advertisers

NAGPASALAMAT si Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga taga-Tondo na nagbigay daan sa kanyang 23-taong career bilang public servant. Ang pasasalamat ni Moreno ay ginawa sa kanyang miting de avance in Moriones, Tondo kung saan dinumog ng napakaraming tao gaya ng dati.

Kasama ni Moreno sa miting de avance ang kanyang runningmate na si Willie Ong, Manila mayoral candidate Honey Lacuna, vice mayoral candidate Yul Servo at first district Congressman Ernix Dionisio, at iba pa.

Binalikan ni Moreno ang alaala kung saan isa siyang mahirap na batang lansangan hanggang sa panliligaw niya sa mga botante para makakuha ng boto bilang councilor ng first district ng Tondo.



Ikinento niya rin kung paano sila lumipat ng bahay ng anim na beses dahil di sila nakakabayad ng upa at kung paano niya tinulungan ang kanyang ina na isang labandera sa pamamagitan ng pagbabasura.

Pinasalamatan ni Moreno ang kanyang elementary school teacher na nasa crowd pati na rin ang kanyang mga kababata at kapitbahay na nagbibigay sa kanya ng pagkain kung siya ay nagugutom.



Ayon kay Moreno ang boto sa kanya ay boto para sa kinabukasan ng mga bata, free education, housing, pagkain at iba pa.

Muli nanawagan si Moreno sa taumbayan na wakasan na ang 35-taong bangayan ng mga dilawan at pulahan.



“Kung gusto ninyo ng peace of mind narito po ako.Tuldukan na natin ang awayang pula at dilaw.Tao naman,” sabi nito. (ANDI GARCIA)