Advertisers

Advertisers

MALINAW NA: ELEAZAR SA SENADO, ERMITA SA KAMARA!

0 705

Advertisers

LALONG luminaw ang pag-asang matamo kapwa nina Senatorial candidate retired Gen. Guillermo T. Eleazar at Batangas First District Congressional bet, Lisa R. Ermita ang pinaka-mimithing tagumpay kasunod ng suportang ipinagkaloob sa mga ito ng Iglesia ni Cristo (INC) sa May 9, 2022 election.

Naunang nagpahayag ng kanilang suporta ang malalaking lider pulitiko at mga negosyante kina Eleazar na inendorso ng El Shaddai founder Mike Velarde sa kanilang pagtitipon sa Paranaque City kamakailan.

Ayon kay Velarde “ang halal ng taong bayan ay siya ring halal ng Panginoon, kayat hindi basta na lamang pumipili ng sinuman na aming susuportahan, kailangang may malinaw at singliwanag ng sikat ng araw na mensahe”, pahayag ng lider ng isa sa pinakamalaking relihiyosong lider ng bansa nang kanyang basbasan si Eleazar.



Ginanap ang endorsement kay Eleazar ni Velarde sa harap ng opisyales at mga kasapi sa pagtitipon ng nasabing sekta sa Parañaque City.

Nauna pa dito ay ineendorso din si Eleazar ng mga malalalaking mamumuhunan at mangangalakal sa bansa at maging ng mga sektor ng manggagawa, propesyonal, magbubukid, mangingisda, overseas workers group (OFW), person with disability, mga guro at maging sa hanay ng mga pribado at empleydo ng pamahalaan.



Bagama’t tahimik ang pulis at military ay all-out din ang suporta ng mga ito sa kanilang kabaro na retired PNP Director General.
Sa simula pa lamang ng pagpasok ng kampanyahan, si Eleazar na tubong lalawigan ng Quezon ay ideneklara na ring “Adopted Son ng CALABARZON.”

Ang CALABARZON na binubuo ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon, ay siyang may pinakamalaking bilang ng rehistradong botante sa mga rehiyon ng bansa. May halos umaabot sa 10 milyon ang registered voters dito.



Si Lisa Ermita na tumatakbo naman bilang kinatawan ng Unang Distrito ng lalawigan ng Batangas ay kasabay ni Eleazar na ineendorso ng sekta ng Iglesia ni Cristo (INC) para suportahan.

Bukod sa pagtitiwala kay Lisa ng INC ay matapat na deboto ito ng simbahang Katoliko, isang civic-minded kaya maging ang mga kaparian ay nagtiwala din sa kanya.

Bukod doon , halos lahat na malalaking lider pulitiko sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calaca, Tuy, Balayan, Calatagan, Lemery at Taal ay nagpahayag na din ng kanilang kumpiyansa kay Lisa na bunsong anak ni retired military General Eduardo R. Ermita para mahalal na kongresista ng nasabing distrito.

Nahasa sa larangan ng gawain sa pamahalaan si Lisa pagkat naglingkod ito sa mga sensitibong pwesto sa mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng Department of National Defense (DND) at Malacañang Palace sa panahon din ng panunungkulan ng kanyang ama sa ilalim ng gabinete ng mga Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Habang nanungkulan sa DND at Malakanyang ay natulungan nito ang kanyang mga ka-distrito na maisulong ang mga proyektong nailaan ng pamahalaan sa kanilang purok sa pagsisikap ng kanyang ama. Walang balakid na nairerelease ang mga pondo ng mga proyektong nakalaan para sa Unang Distrito ng Batangas.

Maging ang manugang ni Ed Ermita na si Eric Buhain ay nabigyan nito ng pagkakataon na maglingkod sa pamahalaan at naipwesto bilang Chairman ng Games and Amusement Board (GAB) and Philippine Olympic Committee (POC) sa panahon din ng panunungkulan ni Ermita bilang miyembro ng gabinete ng pamahalaan.

Pagkakataon na nasayang lang ni Buhain pagkat hindi nito nagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin sa mga naturang tanggapan ng pamahalaan.

Nagkaroon ng mga kontrobersyal, isyu at alingasngas sa mga nabanggit na mga tanggapan sa panahon ng panunungkulan ni Buhain.

Higit na masaklap, si Buhain pa ang naging kalaban ngayon ng kanyang hipag na si Lisa sa kanilang pagtutunggali sa congressional seat sa First District sa kabila ng kasunduan ng pamilya Ermita na isa lamang sa pamilya ang tatakbong kongresista ngayon May 9, 2022 election.

Bansag ng mga taga-Unang Distrito ng Batangas kay Buhain ay isa itong opurtunista, walang galang, walang utang na loob sa kanyang mga biyenan, hipag at bayaw at maging sa buong angkan ng kanyang kabiyak at sa pamilya Ermita.

Si Buhain ay ipinanganak, lumaki at nag-aral sa lalawigan ng Cavite at nagka-tsansa lamang na makilala sa Batangas First District at sa pulitika nang maging kabiyak ni Congreswoman Eilen Ermita.

***

Para sa komento:CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.