Advertisers
If there is an idiot in power, it means those who elected him are well represented –Mahatma Gandhi
NARITO ang mga dahilan mga katoto: Unahin natin si outgoing Manila Vice Mayor Honey Lacuna. Si Lacuna, bukod sa pagiging isang dermatologist, walang matinong accomplishment ito mula nang pumasok sa public service noong 2004.
Naging konsehal mula 2004 hanggang 2013 subalit halos walang naipasa Ordinansa sa Manila City Council.
Tanging pangalan Lacuna lamang ang bitbit!
PAMILYANG KORAP, CONVICTED
SA SANDIGANBAYAN
ANG pangalan Lacuna ang nagdala rin sa kanila sa kahihiyan. Na-convict ng Sandiganbayan 3rd Division ang kanyang ama si Danilo Lacuna at ina si Melanie “Inday” Honrado sa kasong ill-gotten wealth o paglabag sa Republic Act No 1379 dahil sa hindi maipaliwanag na pagkamal ng yaman o unexplained wealth.
Hindi maipaliwanag ng pamilyang Lacuna ang mga kuwestyonableng ari-arian naipundar nila muna ng manungkulan Vice Mayor ng Maynila noong 1998 hanggang 2004.
In short, nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan!
***
SABI ng Sandiganbayan 3rd Division sa kanilang inilabas na hatol noong July 7, 2020: This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondent=spouses have the burden of rebutting the presumption.
Ibinasura din ng anti-graft court ang kanilang apela kahit ginawa pa panuntunan ang Marcos case dismissal sa kapareho may kaso unexplained wealth nitong January 8, 2021.
Sabi ng korte, basura ang apela!
WALANG BAHO, ‘DI NASINGAW!
KAYA naman ipinasasauli ng Sandiganbayan ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa No. 3802 Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa (Biyaya Property); House and Lot na nasa No. 541 Saklolo cor Biyaya Sts., sa Sampaloc (Saklolo Property) na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999; lote nagkakahalaga ng P2.8M sa Tagaytay City (Tagaytay property), na nabili noong 2000; isang Honda CRV at Hyundai Starex; limang (5) shares of stocks na umaabot sa P6,605,000.
Pilit na itinatago ni VM Lacuna ang isyu ito kaya naman hindi sumasali sa anumang debate at baka mahalungkat ang baho ng kanilang pamilya.
Pero ‘ika nga: walang baho ‘di nasingaw!
YUL SERVO “NGITI-ASO” NIETO, BOMOTO PABOR SA ABS-CBN CLOSURE!
ANG aktor na ito na nalaos sa showbiz ay nagpumilit punasok sa politika. Naging Konsehal noong 2007 hanggang 2016.
Gaya ni Lacuna wala rin maayos na accomplishment sa Konseho ng Maynila, kundi tumunganga, ngumiti ng parang aso at magbutas ng bangko sa session hall.
Isa siyang mambubutas hindi mambabatas!
***
NAHALAL na congressman ng 3rd District ng Maynila noong 2016 sa ilalim ng Partido ni Mayor-President Erap Estrada.
Pero minsan na nga lang tumayo sa Kongreso, bumoto pa ng pabor sa pagpapasara ng ABS-CBN na dati niyang network sa mga teleserye. Sinang-ayunan ni Servo ang pagkawala ng trabaho ng mahigit 11,000 workers, artists, talents, reporters at iba pa sa gitna ng nararanasang pandemya noong May 5, 2020.
Tapos nangangako magbibigay daw ng trabaho kapag naging Vice Mayor?!
***
MALINAW na ang tambalang Honey-Yul o Lacuna-Servo ay hindi dapat iboto, walang kredibilidsd upang ipagkatiwala natin ang ating mga boto ngayong araw ng halalan
Ang pamilyang Lacuna na ginawa ng negosyo ang politika, may record ng katiwalian habang si Servo na palaging lutang sa kaalaman public service at tila inutil ay dapat ibasura ngayong halalan. Tandaan: ang bomoto sa korap, kasabwat!
Hanggang sa muli mga katoto!
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)