Advertisers

Advertisers

HATS OFF BBM SPOX ATTY. VIC RODRIGUEZ

0 327

Advertisers

ISA sa malaking dahilan ng pamamayagpag sa pulso ng sambayanan ni presidentiable Bongbong Marcos,Jr. ay ang pagkakaroon niya ng isang reliable at credible spokesman sa katauhan ni Atty .Vic Rodriguez.

Bilang alter ego ng magiging Pangulo ng bansa, naging napakaingat ni Atty. Vic sa pag- handle ng mga isyung ibinabato ng mga tusong katunggali sa mabungang puno ni BBM .

Kahit na nga mula sa pag-arangkada pa lang ng kampanya kung saan ay umagwat agad ang Uniteam ni BBM hanggang sa miting de avanse kamakalawa ay di kanakitaan ng yabang o pagiging hambog-superyor ng batikang abogadong si Spox Vic.



Mapagpakumbaba sa lahat ng personalidad na kabongbong man o kakampink,kakamping kaiskupan man at kapakyawan maging mga kanuysans , bawat bitawan niyang salita para kay BBM ay kredibol at di peke o orokan.

Hindi siya probokatibo,hindi sanggano, madiplomasya para sa isang tunay na statesman, hindi konyo at alam kung saan lalagay sa tama’t legal kahit maraming humihila pababa.Ang klasik ay di siya kumakagat sa pain na patibong ng mga pañerong ulot na karibal.



Di katulad ng ibang ispoksperson na mga sobrang ere sa tuktok ,di marunong bumasa ng sitwasyon, mapagmataas, confrontational at puro wishful thinking ang ibinubulong sa kanilang mga bosing na kandaugaga sa paghabol sa bumabanderang Uniteam ng BBM- SARA.

Sa ugaling maginoo at angking talino ni BBM Spox VRodriguez,lahat ng mayoyryang Pilipinong nagmamahal kay Malacanang- bound Bongbong Marcos,Jr ay tunay na saludo rin sa ating kakapehan sa Kyusi noong si Spox Vic ( di ba bos Perry?),at iyan ay di magbabago maging ang boses niya ay hanggang makarating na sa Palasyo… Abangan!!!



Lowcut: Bumoto nang maaga para makapahinga dahil kelangang bantayan ang bilangan lalo sa gabi ,mamaya ang krusyal .Walang tulugan!Special shoutout sa 2022 Mc Robertz Sports Academy of the Philippines na in-charge sa technical at officiating ng idinaraos na Ayala-Alabang Village SK Summer Volleyball League sa Muntinlupa City sa pangunguna ni Chief Referee Bernie Vergara,Menchie Salazar,Adrian Aguilon,Rommel Nuguid, Escamillas John Ivan ,Justin Rayven Cruz,George Cordova at Jorge Soliman.Prrrrt..GAME NA!