Advertisers
PUNITIRYA na dominahin ni Four-division world champion Donnie Nietes si World Boxing Organization (WBO) super flyweight champion Kazuto loka sa kanilang rematch sa July 13,2022 sa Japan.
“We need to win every round so that there won’t be any hometown decision,” Wika ng coach ni Nietes’ na si Edmund Villamor sa SunStar Cebu.
“If there’s a chance, we’ll go for the knockout. But it’ll be hard because we know that he’ll run.”
Nietes, 39, ang No.1 ranked super flyweight ng WBO ay lalabanan si loka bilang mandatory challenger. Ranked No.3 rin siya sa World Boxing Association (WBA), at No.4 sa World Boxing Council (WBC) at No.9 sa The Ring Magazine.
Sinagupa ni Nietes si Kazuto loka para sa bakanting WBO super flyweight strap noong 2018. Dinaig ni Nietes si loka by split decision.
Nagbalik sa aksyon si Nietes sa 2021 at nagwagi by unanimous decision laban kay Pablo Carillo. Nagtagumpay siya by split draw kontra Norbelto Jimenez sa 2021.
Dahil sa desisyon ni Nietes na bakantihin ang belt, nagkaroon ng oportunidad si loka na harapin si Palicte para sa bakanting WBO belt sa 2019. Pinahinto si Palicte sa 10 rounds. Matagumpay na nedepensahan ni loka ang kanyang belt four times pinataob ang challengers na sina,Jeyvier Clinton, Kosei Tanaka, Francisco Rodriguez Jr. at Ryoji Fukunaga.
Si Nietes ay nakipag- isparing kina Esneth Domingo, dating world title challenger Jeo Santisima at ang kanyang batang kapatid Alex Santisima sa Villamor Boxing Gym sa Mandaue City bilang paghahanda para kay loka.