Advertisers
ANG mga manunungkulan sa gobyerno para magsilbing tagalikha ng batas at panuntunan para sa pangkabuuang komunidad ay idinadaan sa halalan sa kung sino ang pipiliing maging mga lider at ang mailuluklok sa posisyon ay yaong may pinakamaraming bilang ng boto na pangunahing sistema sa DEMOCRATIC COUNTRY na ating ginagalawan.
Tulad na lamang nitong katatapos na MAY 9, 2022 NATIONAL & LOCAL ELECTIONS.., pangunahing pinag-isipan at pinagpilian ng sambayanan ay ang iluluklok na bagong PHILIPPINE PRESIDENT para sa taong 2022 hanggang 2028.., na, ang mga nagsumite ng kanilang kandidatura ay 10 personalidad na ang lumalabas sa ginagawang bilangan ay si dating SENATOR FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang siyang pinakamataas na boto at nagtala ng mahigit 30 milyon votes kumpara kay LENI ROBREDO, na hindi man lamang kumalahati sa bilang ng boto ng una.
Gayunman, marami pa ring grupo ang hindi matanggap ang lumalabas na resulta ng botohan at agarang kilos protesta ang isinasagawa.., kumbaga, ang mga grupong ito ay mga UTAK-PULBURA na kung hindi ayon sa kanilang kagustuhan ay laging rebolusyon ang ninanasa gayong ang mayoryang sambayanan ay nagpasya na at si BONGBONG MARCOS ang kanilang pinili para maging susunod na PHILIPPINE PRESIDENT!
Nariyan din ang mga SCHOLAR STUDENT na imbes magkonsentra at magsipagtapos sa pag-aaral para maisakatuparan ang ninanasa nilang pagbabago ng gobyerno ay inuuna ang pakikisawsaw sa usaping panggobyerno.., may magagawa ba ang mga SISIW sa mga TAHIRANG MAMBABATAS? Sayang na mga mag-aaral.., intelehente kuno pero nagpapakamangmang sa dikta ng mga MANIPOLYADONG TAHIRAN na pansariling interes ang pinoproteksiyunan lamang at hindi ang proteksiyon sa interes ng mayoryang sambayanan.
Tayo ay isang DEMOCRATIC COUNTRY na ang sistema ng pamahalaan o ng gobyerno ay may kapangyarihang lumahok ang mga tao sa paggawa ng desisyon.., na ang mayoryang bilang ng boto ang siyang nananaig.., at ngayon ay mahigit sa kalahati ng registered voters ang nagsiboto pabor kay BONGBONG MARCOS at dapat lamang na irespeto ng pangkalahatan ang resulta ng halalan.
Gayunman, tila iba na ang pananaw ng mga YOUTH SCHOLAR na sa halip maging modelo ang kanilang hanay sa pagtataguyod para sa mapayapang pamayanan.., ay karahasan sa lansangan naman ang kanilang napagtutuunan.
Hindi pa man nakakaupo sa puwesto ang magiging NEXT PHILIPPINE PRESIDENT na ito ay si BONGBONG MARCOS dahil sa resulta ng botohan ay nagsisigaw na sa pagbabanta ang mga estudyanteng henyo kuno.., na ibo-boycott nila ang kanilang pag-aaral kung hindi magre-resign si BONGBONG.., walastik na mga henyong yan.., paano magre-resign e hindi pa naman nakakapuwesto ang kinamumuhian nilang si BONGBONG MARCOS? Dapat sa mga SCHOLAR na yan ay huwag lang BOYCOTT sa pag-aaral ang gawin nila.., kundi magsitigil na lang sila sa pag-aaral para ang mga DESERVING POOR STUDENT ang pumalit sa kanila at magtamasa ng mga benepisyo mula sa gobyerno.
Teka. , bakit ganun na lamang ang pagkamuhi ng mga kabataang mag-aaral gayong hindi pa naman sila tao noong administrasyon ni dating PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR.., ahhh, kung lalaliman natin ng pag-intindi ay produkto ang mga ito ng doktrinang ipinambakod ng mga rebelde’t terorista para mapabagsak ang MARCOS REGIME.
Sayang ang pondong ginagamit ng gobyerno para sa kanilang pagiging SCHOLAR dahil lansangan ang mas ninanais nilang lugar-aralan.., kaya naman, ang ARYA ay pabor sa panukala ng ilang mga POLITICIAN na ang mga SCHOLAR sa ating mga PAMANTASAN na ang hinaharap ay puro pagrarali sa mga lansangan ay tanggalin sa pagiging mga SCHOLAR.., upang hindi masayang ang salapi ng bayan.
Ang dapat pamarisan ng mga komokontra lalo na ng mga umaastang matatalinong mag-aaral ay ang pagbibigay galang ng mga PRESIDENTIAL CANDIDATE na sina ISKO MORENO, MANNY PACQUIAO, PING LACSON at iba pang mga kandidato.., na, maluwag nilang tinanggap ang naging kagustuhan ng mayoryang botante.., sabi nga ng mga ito ay irespeto ang hatol ng mayoryang mamamayan at makipagkaisa para sa ikasusulong ng bansang PILIPINAS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.