Advertisers

Advertisers

Pasig VM Iyo Caruncho zero vote sa kanyang brgy.?

0 525

Advertisers

ISANG napakalaking katanungan hindi lang sa mga taga suporta ni Pasig City Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo na tumakbo bilang Alkalde maging ang buong mamamayan ng Lungsod sa lumabas na resulta ng katatapos na May 9 2022 election alam nyo po ba kung bakit?

Ganito po iyon mga Ka Usapang HAUZ , nagpahayag ng pagkadismaya si VM Iyo at hindi makapaniwala na sa mismong kanyang balwarte sa Brgy Kalawaan na halos kamag-anak niya ang mga nakatira dito ay Betlog o Zero vote kaya nagtungo sa Pasig City Hall ang mga taga suporta nito maging ang ilang natalo sa eleksiyon para pagpaliwanagin ang Comelec sa Lungsod.

Sabagay nakapagtataka nga dahil sa history ng Pasig mga Ka Usapang HAUZ mula sa Brgy Kapasigan, Malinao, Kalawaan hanggang sa Brgy San Juaquin patungong munisipyo ng Pateros ay Caruncho Bernardo clan ang mga residente rito eh bakit nga ba zero? Paki sagot nga po mga magigiting na Comelec officials ng Pasig.



Hindi rin pala si VM Caruncho Bernardo ang na betlog sa naging resulta ng bilangan nitong nagdaang eleksiyon at take note mga Ka Usapang HAUZ sa mismong balwarte rin ng tumakbong Vice Mayor Jun Jun Concepcion ng brgy Ugong at ang kalapit nitong brgy. Rosario ay hindi naman na zero mukhang naka 10 rin hehehehe…

Nakakabilib naman ang mga taga suporta at maging ang tinaguriang Action Man ng District 2 at First Gentleman ng Brgy. Manggahan na tumakbong City Councilor Steve “Teban” De-Asis na walang ka abog abog na tinanggap ang naging resulta ng eleksiyon na kahit hindi pinalad ay nagpahayag sa patuloy nitong paglilingkod sa kanyang distrito.



Na pa wow ang mga Pasigueno sa naging resulta ng eleksiyon, eh sino ang hindi ma papa-wow from dist 1 at dist 2 sa lineup ni Mayor Vico Sotto hindi siguro tatawaging Land slide kundi “Avalanche” at ang talagang nakaka super “WOW” ang aktres na si Angelu De-Leon na parang isang kabute na sumulpot ni hindi nasulyapan ng nagkaroon ng Pandemic ay nag number 1 sa distrito 2, magkagayunman eh dapat din nating batiin mam Congrats.

Ricky Eusebio vs Cong. Roman Romulo muling nagtagumpay si incumbent Congressman Romulo sa kanyang nakatunggali pero marami ring katanungan mula sa mga Pasigueno, una nakapagtataka kung bakit halos wala pa sa 1/8 ng total na bilang ng mga bumoto ang nakuha ni dating Cong. Ricky tila umabot lang sa 34k paano nangyari ibig sabihin ba nito ay talagang burado na ang Eusebio sa Pasig o baka naman nagkaroon ng hokus pokus nagtatanong lang po?



Sa pagkapanalo ni Manggahan Kagawad Quin Cruz bilang Pasig City 2nd dist. Councilor ay walang kaduda-duda, una malaki ang na-iambag ng kanyang namayapang Ama Kap. Cris Cruz sa hindi lang sa brgy Manggahan maging sa lungsod, kaya ang kasabihang kapag nagtanim may aanihin di tulad ng nag number 1 tutubo pa lang ang itinanim agad agad may aanihin Congrats kagawad Quin este councilor pala.

Nais lamang manawagan ng Usapang HAUZ sa mga may alinlangan sa naging resulta ng eleksiyon partikular sa Lungsod ng Pasig maging mahinahon, hayaang umusad ang transaksiyon sa mga tanggapan ng pamahalaang lokal ng sa gayon ay hindi mabalam ang mga pangakong tulong sa mahihirap nating kababayan, mayroong angkop na tanggapan para sa inyong protesta sa naging resulta ng halalan, Comelec ang bahala sa inyo.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916926