Advertisers

Advertisers

Honey, iprinoklama na bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila

0 91

Advertisers

SA loob ng 450 taon, nagkaroon na rin kauna-unahang babaeng alkalde ang makasaysayang Lungsod ng Maynila kung saan pormal na iprinoklama bilang ika-23 alkalde si Honey Lacuna na isa ring doktor.

Ang political ticket na pinangunahan ni Lacuna sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileno ay kinopo ang lahat ng mga posisyon mula sa mayor, vice mayor, six Representatives at 34 sa 36 na councilors. Ang dalawang kandidato na nagwagi bilang konsehal kahit hindi opisyal na kabilang sa tiket dahil anim lang ang kailangan kada distrito ay pare-parehong mga kaalyado.

Si Lacuna, na ang buong pangalan ay Maria Sheilah Honrado Lacuna, ay iprinoklama dakong alas-8 ng gabi noong Miyerkules sa punong-punong Manila City Council session hall na kung saan naghihiyawan sa tuwa ang kanilang mga ticketmates at supporters.



Ang buong pamilya ni Lacuna sa pangunguna ng kanyang ama na si dating Vice Mayor Danilo “Danny” Lacuna at ina na si Melanie na kilala din bilang ‘Inday’, ay kapwa umiyak sa katuwaan kung saan niyakap sila ng lumuluhang si Honey bago ito magpunta sa gitna ng entablado upang itaas ang kanyang mga kamay ng mga election officers bilang pormal na pagpoproklama sa kanya bilang bagong alkalde ng Maynila.

Ang kanyang asawa na si Manila Health Officer Dr. Poks Pangan at anak na babae na si Lucia ay naroon din kasama ang kanyang mga kapatid na sina Lei, ba Presidente ng Liga ng mga Barangay sa Manila, Dennis, Liza Lacuna-Figueras at Philip, na Konsehal din ng 6 th district.

Ang mayor-elect na si Honey, ay nakakuha ng botong 538,595 o 63.68% ng kabuuang boto at ito ay tatlong ulit na mas mataas sa malayong second-placer na si Alex Lopez na nakakuha lamang ng 166,908 votes o 19.73% ng total votes.

Ang kanyang runningmate, na ngayon ay Vice Mayor-elect Yul Servo-Nieto, na kasalukuyang Manila 3rd District Representative at Deputy Majority Leader sa Congress, ay iprinoklama din. Si Servo ay nakakuha ng 586,855 votes . Kasama niya sa proklamasyon ang kanyang asawang si Flovelyn at mga anak na sina Lucas, Louis at Laris.

Ang mga nanalo naman bilang kinatawan sa House of Representatives ay sina: Ernix Dionisio (1 st district); Rolan Valeriano (2nd of the district); Joel Chua (3 rd district); Edward Maceda (4 th district); Irwin Tieng (5 th district) at Benny Abante (6 th district).

Gumawa ng kasaysayan sina, Dionisio atbTieng makaraang talunin ng mga ito ang incumbents na sina Manny Lopez at Crystal Bagatsing. Si Chua na siyang kasalukuyang Manila City Council’s majority floorleader ay first-timer sa Congressional race.



Punong-puno naman ng emosyon si Honey na kapanayamin ng media matapos ang proklamasyon kung saan sinabi nito na:”We have been dreaming of this for a long time for my father.”

Sinabi din ng maluha-luhang si Honey na labis niyang ikinararangal na sa loob ng 450 – taon ay mayroon na isang babaeng mayor ang Maynila. Pinasalamatan din niya si Mayor Isko Moreno sa trust and confidence na ibinigay sa kanya. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More