Advertisers

Advertisers

Atat sa P20 per kilong bigas

0 454

Advertisers

ATAT na atat na ang higit 31 milyong bomoto kay President-elect Bongbong Marcos Jr., mas kilala ngayon sa tawag na BBM, sa pangakong P20 per kilong bigas ng bagong lider ng Pilipinas.

Oo! Mainit itong pinag-uusapan sa social media ng mga naniwalang mapababa ni BBM ng hanggang P20 ang bawat kilo ng bigas.

Paano nga kaya maging P20 ang bawat kilo ng bigas eh napakamahal ng palay, nasa P800 yata per sack. Kasi nga napakamahal ng abono at mataas ang expenses sa pagtatanim at pag-aani. Ewan!



Pero malay natin may kakaibang pormula ang economic managers ni BBM para mapababa ng hanggang P20 ang bawat kilo ng bigas. Baka makaangkat sila ng mura sa ibang mga bansa. Patay ang magsasaka natin dito kapag nagkataon. Mismo!

***

Nagbanta kaagad si Ka Leody de Guzman, ang lider ng mga manggagawa na natalo sa nakaraang presidential election, na hindi nila bibigyan ng “honeymoon” ang Marcos administration na magsisimula ang termino sa Hulyo 1.

Sabi ni Ka Leody, babantayan nila ang bawat polisiyang ipapatupad ng bagong administrasyon. Pero kung kapaki-pakinabang naman ito sa mga maralita ay susuportahan nila. Dapat lang!

***



Malakas ang pakiramdam ko na hindi gagawa ng ikagagalit ng masa si BBM. Ayaw niyang mangyari uli ang nangyari sa kanyang ama noong 1986 kungsaan pinatalsik sila sa Malakanyang sa pamamagitan ng People’s Power o Edsa Revolution.

Tingin ko’y gagamutin ni BBM ang naging sugat na iniwan ng kanyang ama. Wish ko lang!

***

Inaabangan ngayon ng mga kritiko ni BBM ang kanyang kasong “tax evasion” at estate tax ng kanyang pamilya na abot ng P203 billion.

Baka raw kasi mabaligtad pa ang mga kasong ito na nadesisyunan na ng Korte Suprema, kungsaan guilty si BBM at kanyang pamilya Marcos.

Ang sigurado rito, maaayos ito ni BBM dahil siya’y nasa puwesto na. Kung paano? Abangan!!!

***

Sa kanyang “Talk to the People” kamakalawa, hinihirit ni outgoing President Rody Duterte sa bagong administrasyong Marcos na baguhin na ang ilang parts ng Konstitusyon.

Isa mga gustong mabura ni Duterte ay ang partylist system. Ginagamit lang daw kasi ito ng mga mayayaman at komunista.

Sagot naman ng netizens: “Unahing burahin ang Duterte Youth”. Oo nga. Hehehe…

***

Inanunsyo ni BBM na ang cabinet position na ibibigay niya sa kanyang Vice President na si Sara Duterte-Carpio ay Department of Education, ang ahensiya ng gobierno na may pinakamalaking budget.

Kinontra naman ito ng mga kritiko nina Marcos at Duterte. Sabi ni Senator-elect Risa Hontiveros, ang dapat ilagay sa DepEd ay ang may alam sa edukasyon.

Si Sara ay isang abogado. Tingin ko ay puwede narin siya sa DepEd. Pero mas maganda kung sa DILG ilagay ang dating mayor ng Davao City dahil kabisado na niya ang LGU. Mismo!