Advertisers
NATAPOS nang basahan ng International Criminal Court (ICC) charges si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte sa The Hague, Netherlands.
Mayroong 60 araw ang ICC-Pre Trial Chamber 1 para pag-aralan at desisyonan kung sapat ang ebidensiya para sa ‘crimes against humanity’ laban kay Digong para ituloy ang trial.
Ibig sabihin ay malalaman natin, mga pare’t mare, sa Mayo ang desisyon ng ICC kung makakabalik na sa Pilipinas si Digong or manatili ng ilan pang taon hanggang matapos ang mga pagdinig sa kinakaharap n’yang kaso, or doon na siya magwakas. Aray ko!!!
Sa mga closing statement ng ICC prosecutors at ng depensa, kahit hindi ako abugado, ay masasabi kong lamang na lamang ang prosecutors. Mismo!
Nailatag ng maige ng prosecutors at maging ng Pinoy lawyers ng mga biktima ng extrajudicial killings ang kanilang mga testimonya at mga solidong ebidensya, mga recorded na ebidensiya na nagmula mismo sa bibig ni Digong.
Sabi nga ng mga eksperto sa batas, si Digong mismo ang nagdiin sa kanyang sarili sa kasng crimes against humanity.
Hindi kasi akalain ni Digong noong pangulo siya na maihahabla siya sa international court, at ang mga pahayag niyang pagpatay sa mga kriminal kuno ay magiging ebidensiya laban sa kanya. Mismo!
Sa ICC, walang kontrol o kasabwat na hukom o mahistrado si Digong. Ebidendiya lang ang magpapalaya sa kanya. Kaso walang ebidensiya na mailatag ang kanyang defense panel kundi ang igiit na “hyperbole” lang ang mga statement ni Digong about sa mga pagpatay. Ganun daw talaga kasi kung magsalita si Digong.
Iginiit din ng depensa na ang salitang “neutralize” na laging sinasabi ni Digong kapag nag-utos sa mga awtoridad ay “hulihin”, hindi ang patayin.
Pero ang salitang “neutralize” ang siyang ginagamit ng mga awtoridad sa tuwing may napapatay na kriminal kuno.
Inirason din ng depensa na ang patayan noong termino ni Digong ay hindi naman natigil hanggang sa rehimeng Marcos ngayon. Bakit ‘di raw ito imbestigahan?
“I’m forced to ask myself, whether anyone on the other side of this room has thought of investigating the Marcos regime and the related phenomenom and holding someone accountable,” giit ni Nicholas Kaufman, ang chief legal ni Digong.
Ang kanyang statement ay binasag ng ICC prosecutor na si Julian Nicholls: “Well, his client prevented all that by withdrawing the Philippines from the Rome Statute when he thought he might be prosecuted thereby ensuring that we will not have jurisdiction after a certain period.”
Oo nga. Kung maaalala, winidro ni Digong ang membership ng Pilipinas sa ICC nang malamang iniimbestigahan siya sa mga patayan sa bansa, matapos ihabla ng grupo ni ex-Senator Antonio Trillanes.
Hindi siguro nabigyan ng tamang payo o hindi rin abot ng kaisipan ng mga adviser ni Digong na kahit iwidro nila ang membership ng Pilipinas sa ICC ay may kapangyarihan parin ang international court na imbestigahan ang mga krimen na nangyari noong miembro pa ang Pilipinas ng ICC.
At yan nga ang nangyari ngayon, nahabla at naaresto ng ICC si Digong. Binasahan na siya ng charges sa kasong crimes against humanity. Malalaman natin ang desisyon sa kasong ito pagkalipas ng 60 days.
Abangan!