Advertisers

Advertisers

Miembro ng ‘Rizal robbery hold-up group’ timbog

0 22

Advertisers

Hindi na nakapalag sa pinagsanib na pwersa ng Bocaue Pulis at Bulacan Provincial Intelligence Unit ang isa sa 4 na miyembro ng Rizal Robbery Hold-up Group na sangkot sa nakawan sa South at Central Luzon ng arestuhin sa kanilang safehouse sa Tanay, Rizal.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director The Hunter PCol.Angel Garcillano, kinilala ang suspek na si Alyas Ganie,nasa hustong gulang residente ng Tanay Rizal.
Una nangyari ang pagnanakaw 7:20 ng gabi noong Pebrero 25, 2026 sa Villa Zaragoza, Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan.
Nabatid na apat na armadong lalaki na kapwa nakasuot ng itim na jacket at mask ang sapilitang pumasok at tinutukan ng baril ang mga biktima, at tinangay ang mga alahas at cellular phones na nagkakahalaga ng P3.296,500.00 na mabilis na tumakas lulan ng isang kotse na sedan.
Sa pinaigting na backtracking at forward tracking, natukoy ang ginamit na getaway vehicle bilang isang puting Honda City na may plakang ABT-5774 na ginamit rin sa robbery sa Parañaque at karatig lugar na kabilang umano sa Rizal Robbery hold up Group.
Sa isinagawang follow-up operation at pag-trace sa kinaroroonan ng mga suspek, natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa residente ng Tanay, Rizal, na positibong itinuro ng mga biktima.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Bocaue Municipal Jail gayunman patuloy ang Man Hunt Operation sa tatlo pa.(Thony D. Arcenal)