Advertisers
ARESTADO ang isang “Awol” na sundalo, at ama na matagal nang may standing warrant of arrest sa kaso ng panggagahasa at pangmomolestiya sa menor de edad nilang kaanak sa Quezon City.
Ayon kay Police Major Freddie Zorilla Officer-in-charge ng QCPD SOU, natunton nila ang mag-ama sa isang liblib na lugar sa Barangay Santor sa Bongabon, Nueva Ecija, Biyernes ng madaling araw.
Ang mga suspek, na hindi pinangalanan ng QCPD, ay 34-anyos ang Awol na sundalo, at 64-anyos naman ang ama nito.
Ang 34-anyos na suspek ay may kasong 4 counts ng acts of lasciviousness at 5 counts ng sexual assault;, habang nahaharap sa qualified rape, 5 counts ng acts of lasciviousness, at 3 counts ng sexual assault ang kanyang ama.
Ayon kay Sorilla, iisa lamang ang biktima ng mag-ama na nooy 10 taon pa lamang.
“Kasi itong mga taong ito may standing warrant of arrest, as well as sila ay most wanted sa regional level at district level magtatay sila. Yung victim yung kanilang pa-mangkin at apo nila. It was January 2018 hanggang March 2023, 5 years siya minolestiya ng uncle, yung kanyang lolo, inaano siya at the age of 13 na nung 2021. ‘Yung uncle hindi siya ni-rape hindi gaya sa lolo na may rape na nangyari,” dagdag ni Zorilla.
Sinasabing nagtago ang mag-amang sa Samar at sa Nueva Ecija. Itinanggi naman ng mga suspek ang krimen.
Nasa custody na ng QCPD sa Camp Karingal ang mag-amang suspek.