Advertisers
Iginagalang ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez ang panukala ni Senate President Tito Sotto na buwagin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) at pagsamahin ang kanilang mga tungkulin sa isang bagong ahensya na tatawaging Presidential Drug Enforcement Authority.
Ayon kay Nerez, nakapagsumite na ang PDEA ng kanilang position paper sa Senado at dapat aniyang pag-aralang mabuti ang magiging benepisyo at posibleng epekto nito sa mga empleyado ng ahensya.
Sinabi ni Sotto na layunin ng panukalang batas na lumikha ng isang “supervisory agency” na magmomonitor at magtitiyak na maayos na naipapatupad ng mga ahensya ng gobyerno ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ilalim ng panukala, ililipat sa bagong ahensya ang policy-making functions ng DDB at ito ay ilalagay sa ilalim ng Office of the President.
Ang enforcement powers naman ng PDEA ay ililipat sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs, at Armed Forces of the Philippines. Kapag naipatupad ito, tuluyang mabubuwag ang PDEA at DDB.
***
Sa susunod na isyu talakayin naman natin ang mga aktibong pulis na kumakaladkad sa pangalan nina Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita at PRO4B Regional Director PBGen Jovencio Badua sa illegal na sugal sa lalawigan ni Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor na pahirap umano sa mga operator ng Peryahan.
Abangan!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com