Advertisers

Advertisers

KYLIE AALIS NG BANSA KUNG TATAKBONG BISE PRESIDENTE ANG AMANG SI SENADOR ROBIN

0 16

Advertisers

Ni Beth Gelena

Maugong ang ingay na tatakbong Bise Presidente si Senator Robin Padilla.

Walang ligoy na nagsabi ang aktor-politiko, na kung iuutos sa kanya ni dating Presidente Digong Dumarte na maging running mate ng anak nitong si Sara Duterte ay susundin daw niya ang utos.

Kaya naman nang nakapanayam ng News5 ang anak ni Sen. Robin na si Kylie Padilla ay tinanong ang aktres kung ano ang magiging reaksyon niya if ever hilingin nga ni PRRD na tumakbo ang kanyang ama bilang Bise Presidente.

Ani Kylie sa pabirong reaksyon, “Aalis na ako ng Pilipinas.”

Ang kanyang maikling sagot ay umani ng tawanan at naging magaan ang kanilang pag-uussp nang nagtanong.

Nang hingan siya kung susuportahan ba niya ang karera ng ama sa politika, inulit ng Kapuso ang kanyang sagot, natatawang sabi niya, “Aalis na po ako ng Pilipinas,” and added with a laughter, “yon lang po ang comment. Wala lang.”

Sinabi niya na wala siyang ibang reaksyon maliban sa kanyang pag-alis ng bansa.

May tiwala naman daw siya sa ama hinggil sa mga desisyong pampulitika nito

Bilang bawi, “Ano lang naman I trust in my father’s judgment na lang.”