Advertisers

Advertisers

ISKO HINIMOK ANG SUPORTA NG MGA DEVELOPER AT REAL ESTATE BUILDERS SA KANYANG PABAHAY PROGRAM

0 12

Advertisers

Nangako si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ng episyente at tapat na paggamit ng pondo ng lungsod ng Maynila.

Kasabay ng pangako ng alkalde na himukin ang mga developer at real estate builders na suportahan ang pinalalakas na programang pabahay ng lungsod.

Sa kanyang talumpati sa mga miyembro ng Chamber of Real Estate & Builders’ Associations, Inc. (CREBA), tiniyak ng alkalde ang maayos na paggastos, patas na pangongolekta ng buwis, at tuloy-tuloy na pagsuporta sa mga proyektong pabahay na direktang makikinabang ang mga Manileño.

Binigyang-diin ni Moreno na ang pabahay ay pangunahing bahagi ng Minimum Basic Needs (MBN) agenda ng kanyang administrasyon, kasama ang kalusugan, edukasyon, at trabaho, at kinilala ang real estate sector bilang mahalagang tagapagpasigla ng ekonomiya at urban development.

Ibinahagi rin ng alkalde ang kanyang karanasan sa paglaki sa Tondo na humubog sa kanyang layuning magtayo ng permanente at maayos na in-city housing sa halip na relokasyon na malayo sa hanapbuhay at serbisyo.

Ipinaliwanag niya ang konsepto ng mga proyektong tulad ng Tondominium at Binondominium, na may disenyong hango sa Singapore at nag-aalok ng mahigit 40-square-meter na unit na may dalawang kuwarto upang matiyak ang disenteng tirahan para sa mga PAMILYA. (Jocelyn Domenden)