Advertisers

Advertisers

ONLINE LENDING APPS SINASALIKSIK NG CICC!

0 2,709

Advertisers

Sa tindi ng KURAPSIYON sa hanay ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na nagdudulot sa matinding paghihirap ng mamamayan ay nasasadlak ang karamihang mangutang lalo na sa ONLINE LENDING APPS.., subalit nadadale lamang ng SCAMMERS ang mga mangungutang na tinututukan ngayon ng CYBERCRIME INVESTIGATION AND COORDINATING CENTER (CICC) para sa pagtunton ng mga nambubudol.

Sa liderato ni UNDERSECRETARY RENATO “ABOY” PARAISO ay inilunsad ang kampanyang FAST CASH: MAG-INGAT SA SCAM.., na naglalayong maturuan ang mamamayan para sa responsableng pangungutang lalo na sa paggamit ng credit card na hinde makokompromiso ang seguridad ng lender Verification at ang pagpapaigting sa SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC)- registered institutions laban sa “fly-by-night digital predators.

Batay sa data ng CICC’s CYBERCRIME COMPLAINT CENTER (C3) na mula nitong January 1 hanggang February 25, 2026 ay nakapagtala ang naturang ahensiya ng 399 formal reports hinggil sa ONLINE LENDING APPLICATIONS (OLAs).

“The breakdown of these reports highlights a culture of systemic abuse: Online Debt Harassment (46%). The leading complaint involves aggressive and illegal collection tactics Loan Scams (20%): Victims apply for loans that never materialize Deceptive Lending Practices (15%): Hidden terms that trap borrowers in infinite debt, Advance Fee Fraud (17%): Requiring payment before the loan is released, Unregistered Companies (2%): Platforms operating completely outside the law,” pahayag ni USEC. ABOY PARAISO.

Ipinunto rin sa CICC investigation na mula sa 76 OLA platforms na iniulat sa C3 ay 21 lamang sa mga ito ang nakarehistro sa SEC.., na ang mga unregistered platforms ang kadalasang napapasok o nakukuha nila ang borrower’s phone kabilang ang contacts at photos na nagagamit ng mga ito para sa pamba-blackmail o pahiyain ang imahe ng borrowers sa publiko dahil sa hindi pagbabayad sa takdang panahon.

Bunsod nito ay nagbabala ang CICC na ang mga pang- eengganyong “INSTANT APPROVAL” at “MINIMAL REQUIREMENTS” ng mga Online Lending ay isang pamain ng mga mapagsamantalang ONLINE LENDING OPERATORS.., dahil “one-click loan” lang o ang pagklik sa link ng oine lending ay masasadlak na sa problemang idudulot ng naturang mga online apps.

“If a loan offer seems too good to be true, it likely is.., we urge the public to prioritize their digital safety and report any form of harassment immediately,” pahayag pa ni USEC PARAISO.., na aniya ang sinumang dumadanas ngayon ng harassment o sa inaakala nila ay loan scam ang kanilang naeenkuwentro sa social media o text messages ay maaaring magreport ang sinuman sa Hotline 1326.

PAGING USEC PARAISO.., puwede bang sa mga mangungutang online na magrerequest para sa personal na magtungo sa opisina ng ONLINE LENDING OPERATOR ay irequire sa mga ito ang personal transactions para ang mangungutang ay malalaman ang office address at makikilala ang mga online lending staff.., sa gayon ay magiging klaro ang transaksiyon sa pag-utang at ang pagbabayad ng nangutang ay sa online na magbabayad?

Ilang beses ko na ring sinubukan ng mga nakaraang taon ang ilang online lending apps na kapag inaalam ko ang office address ay nirereply na online transactions lamang daw at may nagreply naman na ang address nila ay sa Visayas o sa Mindanao na maaaring na-search nila sa social media na ako ay taga-Metro Manila.

Mga ka-ARYA.., pinakamainam pa rin na huwag basta klik ng klik sa mga online link na mag-aappear sa inyong celfone upang maiwasang madale kayo ng scammers at baka pati ang laman ng inyong bank account ay maglahong parang bula!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.