Advertisers

Advertisers

Barbie tatapatan na ang pagpapaseksi ng labs na si Jak

0 478

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

TILA hiyang na rin naman si Barbie Forteza na lumaban sa sexy photo shoot ng kanyang boypren na si Jak Roberto.
Nakilala kasi si Jak bilang isang hunk actor. Napapadalas na rin kasi ang photo shoot ni Barbie na naka-two piece bikini lang siya. Minsan ay kasama pa ang boypren na naka-shorts lang in a sexy pictorial.
Naganap ang sexy pictorial nila ni Jak sa Bohol kung saan nagpunta sina Barbie at Jak bilang advance celebration ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang couple.
“Siguro dahil na-overwhelmed din kami sa lugar, na ang ganda, sayang naman kung hindi natin susulitin. Doon na nga lang kami ulit nagkaroon ng chance para makapag-travel ulit together,” sabi ni Barbie.
Sa projects nila sa Kapuso Network ay pawang pa-tweetums ang ginawa nila, feel din kaya ni Barbie na makasama sa isang proyekto ang dyowa na pang ‘level up’ ang datingan, as in matured role?
“Nu’ng huli kaming nagka-work, hindi siya ganu’n dati. So I’m looking forward na ma-experience ko ‘yung ganu’ng klaseng Jak Roberto,” sabi ni Barbie.
***
MARAMI sa dumalo sa Red Carpet Premier Night of Vince Tanada’s Carlos Palanca Literary Contest Grand Prize Winner, “Ang Bangkay” ang napahanga sa angking galing sa akting ni Sarah Liroe Javier sa naturang movie.
Kahit pa sabihin na hindi kahabaan ang kanyang papel at wala siyang diyalogo bilang bangkay ay kapuna-puna na ang mga mata ni Sarah ay umaakting na.
Acting ala-Superstar Nora Aunor. Damang-dama ng mga manonood ang pighati sa eye expression ni Sarah. Piniga talaga ang dating ‘That’s Entertainment’ member ng kanilang direktor na si Vince Tanada. Malaki ang kaugnayan ng role ni Sarah bilang bangkay sa itatakbo ng istorya kahit pa sabihin na tila nabitin ang mga manonood sa byuti ni Sarah dahil sa maigsi lang talaga ang kanyang role.
“Bilang isang artista kasi para sa akin, walang maigsi o mahabang role, as a professional gagawin ko kung ano ang hinihingi ng aking karakter sa movie. Maikli lang talaga yung role ko pero markado naman siya. I mean importante yung role ko sa buong pelikula,” saad ni Sarah.
Ika ng mga unang nakapanood na sa “Ang Bangkay” na tumatak ang role ni Sarah at lumaban na rin halos ng aktingan sa co-actors niya sa movie na pawang Theater & Film actors na sina Johnrey Rivas; Vean Olmedo; JP Lopez, newcomer Lili Montelibano, at Mercedes Cabral.
Pangalawang movie na ito ni Sarah sa kanyang pagbabalik showbiz, una ay ang “Nelia” ni Winwyn Marquez at ito ngang theater play na isinapelikula, “Ang Bangkay”.
Sa ngayon ay waiting naman followers ni Sarah na hindi nagbabago ang kagandahan, na mapanood ang kanilang comebacking idol sa mga teleserye.