PDP LABAN AT MAJORITY LEADER MARTIN ROMUALDEZ, HANDANG ISULONG ANG PAMBATASANG BALAKIN SA PAGPASOK NG ADMINISTRASYON NI PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS, JR.
Advertisers
TINUGUNAN ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga katanungan mula sa mga miyembro ng media sa isang ambush interview matapos ang pananghaliang pakikipagpulong ng mga bagong halal na kinatawan ng PDP Laban sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City. Sa larawan ay makikita mula sa kaliwa sina Bulacan Rep. Rida Robes, Surigao Del Sur Rep. Johhny Pimentel, Reggie Velasco at Pampanga Rep Aurelio Gonzales. Sinabi ni Rep Robes na ang PDP ay umaasa na maka-trabaho si Romualdez na siyang nalalapit na maging House Speaker sa 19th Congress upang maiisagawa ang pambatasang balakin sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.