Advertisers
Winning is great, sure, but if you are really going to do something in life, the secret is learning how to lose. Nobody goes undefeated all the time. If you can pick up after a crushing defeat, and go on to win again, you are going to be a champion someday. — American track and field athlete Wilma Rudolph
HANOI, VIETNAM — Sa pagkopong muli ng Pilipinas sa ikatlong puwesto sa ika-31 Southeast Asian Games (SEAG), nagdebu ang SIBOL Women’s Wild Rift sa 4-0 panalo upang walisin ang oposisyon at mahirang na kampeon sa torneo.
Unang hinarap ng mga Pinay gamer ang Team Thailand bagama’t ngayon palang sila mapapasabak sa labanan na dala lang ang pagkakaisa subalit hindi ito naging hadlang para simnulan ang kanilang kampanyang makammit ang gintong medalya nang durugin ang Thailand sa nakamamanghang 16K+ gold lead.
Para sa Game 2, madaling inungusan nila ang Singapore, para ipakita ang kanilang matinding kumpiyansa sa isa’t isa, na kitang-kita naman sa pag-tumbling ni ANGEL DANICA ‘Angelailaila’ LOZADA sa masayang pagpasok sa arena. Sadyang ipinakita nila ang kanilang husaysa laro sa pagpapasabog ni GIANA JOANNE ‘Jeeya’ LLANES ng 100 percent na ‘kill participation rate’ gamit si Yuumi habang si CHARIZE JOYED ‘Yugen’ DOBLE sa Vayne ay umiskor ng triple kill para sa isang ‘ace’. Sina CHRISTINE ‘Rayray’ NATIVIDAD na gamit si Galio ang dumiskaril sa tangkang makabalik ng kanilang katunggali at suportado naman siya ni ROSE ANN MARIE ‘Hellgirl’ ROBLES bilang Irelia para lansagin ang pambato ng Singapore.
Masasabi ding ang tagumpay ng batambatang Pinay team ay dahil din sa inambag ni Angelailaila gamit si Xin Zhao, na siyang nanguna sa primary stage ng kompetisyon. Talagang nagpatuloy ang Grind Sky Eris roster sa simpleng pagsibak sa koponan ng Laos sa Game 3—mula sa draft hanggang sa mga sagupaan, perfect ang pagbasa nila sa oposisyon tulad ng matinding stratehiya para magwagi sila ng tuluyan. Ang walang humpay na pagsalakay ng enemy dragon lane ang nagbigay sa ckanila ng puwang para umarangkada ng husto at wakasan ang laban sa loob lamang ng 13 minuto.
Sa pag-abante naman, kinoronahan ng Pinay squad ang kanilang opening day ng isa pang panalo laban sa Vietnam at sa pagkalos sa kanilang kalaban, tinodo ang kanilang pagsulong tungo sa ginto. Binuhay pa ito ng tambalan nina Nasus (Jeeya) at Senna (Yugen) para magtala ng iskor na 20-4.
Sa panayam matapos ang pagsungkit sa ginto, sinabi ni Angelailaila na nag-enjoy sila sa laro at ang totoo’y talagang inabangan nila ang paglahok sa SEA Games nang nakaraang taon pa.
Gayun pa mman, sadyang bilib ang PANGIL sa galing ng ating team!
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!