Advertisers
UMISKOR si Jayson Tatum ng 27 points, Marcus Smart at Jaylen Brown nag-ambag ng tig 24 upang tulungan ang Boston Celtics na durugin ang Miami Heat sa iskor na, 127-102, kahapon at ipantay ang Eastern Conference finals sa 1 – 1.
Si Smart ay kinapos sa rebound para sa triple-double, matapos magdagdag ng 12 assists at nine rebounds.
Grant Williams umiskor ng 19 points para sa Boston, habang sina Payton Pritchard at Al Harford nag-ambag ng tig- 10 para sa Celtics.
Jimmy Butler kumamada ng 29 points sa loob ng 32 minutong aksyon sa Miami, na nalaglag sa 7-1 at home dito sa playoffs. Gabe Vincent at Victor Oladipo bumakas ng tig-14 puntos, at Tyler Herro nagdagdag ng 11 para sa Heat.
Ang Game 3 ay sa Sabado sa Boston.